Malaya

60 0 0
                                    

Lumabas na ang nag-iisang walang muwang na Maya
Sa hawla n'ya na nakasabit sa puno'ng Makopa
Tinig at himig n'ya'y rinig, nais na lumaya
Tulad ng tulang walang sukat at tugma
Sinuway n'ya ang patakarang strikto
Sabay sabing, "pinalalaya na kita sarili ko"
Ngunit, tila naguguluhan ata't nalilito
Sa pag-awit n'yang sintunado't may mali-maling liriko
Lahat ng nakasaksi'y hinamak s'ya't pinagtawanan
Pagpapalaya'y nagdulot lamang ng kapinsalaan
Nilabag n'yang patakaran ay proteksyon pala para sa kan'ya
Totoo ngang 'pag na subsob ka ay may mahuhuling isda
Sa huli, bumalik ang munting Maya nang kusa sa hawla
N'ya't nagtatanong sa kaibigang pusa, sinong may problema
Ang sagot kan'ya'y, "'di na mahalaga,
Kasi Ikaw man o sila, ang lipunan ay talagang mapanghusga"

MalayaWhere stories live. Discover now