Magandang Panaginip

38 0 0
                                    

Hindi ako isang lakwatserong tao
Pero, pagkatapos na ang pandemyang ito
Nais kong baybayin ang dalampasigan kasama ka
Sa araw na 'yon, gagawa tayo ng mga masasayang alaala
Wala kang iisiping problema bukod sa'kin
Bubuo tayo ng munting palasyong yari sa buhangin
Lalanghapin ang sariwang simoy ng hangin
At bibilangin ang mga anghel sa langit na tatawagin na'ting "atin"
Maliligo tayo sa maalat na tubig ng dagat
Kakain ng inihaw na Bangus, siguro... Higit sa apat?
Maglalaro tayo ng bola at magbibiyak ng pakwan
Uuwing pagod at nagtatawanan sa walang hanggang kwentuhan
Sa byahe ako ang magiging sandalan at unan
Na mag-aayos sa higaan at sa ulo mo, aking tahanan
Nang 'di mahulog sa pagtulog ay babantayan
Ka't ang mga karanasang pinagdaanan ay babalik-balikan

MalayaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin