Si Juan

34 0 0
                                    

Tanghaling tapat na naman no'ng magising si Juan
Sa lilim ng punong kan'yang sinasandalan
Busog, nakanganga't nag-aabang sa prutas ng Durian
Na mahulog sa ulonan nang magkalaman ang sisidlan
"Juan! Bumangon ka d'yan!" Boses na galing sa 'di kalayuan
Nagulat s'yang makita ang katawan n'yang duguan
Sa kalagitnaan ng pag-aabang animo'y s'ya ang inabangan
Huli na nang makatayo s'ya't sa ulo nabagsakan
At tanghaling tapat na naman no'ng magising si Juan
Sa ingay ng mga katanungang naririnig sa kaliwa't kanan
"Pa'no natin s'ya maliligtas kung sarili n'ya mismo'y ayaw n'yang tulungan?"
Nasaksihan na naman ni Juan ang kan'yang kamatayan
Paulit-ulit n'yang pinigilan ang siklo ng kapalaran
Hanggang sa tumigil ito't nalabanan ang katamaran
Sa pagmulat n'ya'y sinambit na "wala 'tong katotohanan!"
Subalit 'di n'ya namalayang tanghaling tapat na naman

MalayaWhere stories live. Discover now