Ang Langgam

31 0 0
                                    

Paglalakbay ang pinili at daanang tinahak
Ng langgam na tanging baon ay pangako't pangarap
Sa sarili, nagtitiwala at naninindigang
Masisilayan ang nasa itaas ng hagdan
Sa naging pagpapasaya'y walang pinagsisihan
Kailangang lampasan ang higit sa libong baitang
Habang pinagmamasdan sa ibaba ang mga matang
Naka-abang, na mahulog mula sa kalangitan
Ang bituing makinang, na sa kahilingan nila'y katuparan
'Kakat'wang tawanan, sila-sila rin ang nagpalakpakan
Nang makamtan ng langgam, sa tuktok ng ginawa n'yang
Pag-akyat, ay nalaman at naunawaan na ang
Nagmamadali ay kadalasang nadadapa't nasasaktan
Mabagal man sa paghakbang o paisa-isa
Nakaliligtaan na'tin dahil sa labis na pagtingala, na
Minsan mas mahalaga ang proseso kaysa sa resulta

MalayaWhere stories live. Discover now