Huwad

41 0 0
                                    

Panggap na magkaibigan ang dalawang mag-aaral
Suot ang unipormeng pang paaralang banal
Kung sa'n itinuturo ang tamang asal at dasal
Nakasasakal, amoy nilang 'sing baho ng kanal
Sabay na nagyakapang hawak-hawak ay lanseta
Imbetong kwento ang binubuo ng bawat letra
Ang pinakanakatatawa ay ang eksenang kasunod
Nakangiti silang naghiwalay na may duguang likod
Ugali'y 'sing bulok ng sugat na nagnanana
'Di mawawala, hanggang hukay madadala
Kung 'di mo babaguhin ay walang mapapala
Hindi ka aangat sa panghihila pababa
Kaya, 'wag magpalinlang sa nagbabait-baitan
Nagkalat ang banal-banalang hulog ng langit-langitan
Hindi lahat ng katiwala'y 'di bantay salakay, minsa'y
Ang aabutan mo ng tinapay, pakay pala'y kamay

MalayaWhere stories live. Discover now