Dalumat

30 0 0
                                    

Ito'y pagkakaroon ng kakayahang mag-isip nang malalim
Ang gamit ng mga salita'y kailangang unawain
Pangangatwiran at pag-iisip ay 'di basta-basta't simple
Ang nakasaad na kahulugan ay posibleng lampas sa triple
Tumutukoy sa pagbuo ng konsepto o kaisipan
Na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay sa kapaligiran
Imahinasyon ay kailangan, nang malaman ang tunay na kahulugan
Kung ang mensahe'y mayro'n nga bang katuturan at kabuluhan
Ito ang panday na hahasa sa kakayahan
Pagsasanay na sasanay sa kasanayan
Magbubukas sa isip, diwa't tulog na kamalayan
Oportunidad na madagdagan pa ang kaalaman
Sa pagpasok sa loob kalooba'y kailangan ang puso't utak
Nang 'di mahulog sa madilim na bangin sa gitna ng gubat
Mula ugat ay sundan ang mga sanga ng puno ng duhat
At ngayon alam mo na kung ano ang dalumat

MalayaWhere stories live. Discover now