Salarin

37 0 0
                                    

Sa bawat kong pag-gising ay may naghihintay na hamon
Trabaho'y sinisikmurang may makain sa maghapon
Tila dahon na nilamon at tinangay ng malaking alon
Pagtakbo'y hinahabol ang karo ng sarili kong kabaong
Sa'king dinaanan ay maraming kinapulutang
Leksyon at mga aral na huli ko nang natutunan
Tulad ng may mga kasanayang imposibleng matakasan
Parang pagtakbo sa ilalim ng buwan
Kadalasan kamalasan ay 'di maiiwasan
Walang ibang dapat sisihin at iturong dahilan
Sarili lamang ang tanging kampi mo't kalaban
Kung sa'n ika'y biktima na s'yang may kasalanan
Ngunit, mayro'ng nabatid pagliko sa may kanan
Nang matumba't naramdamang mainit ang sintido't tagiliran
Moralidad nga ba'y nilikha para sa kapayapaan?
O pangdepensang mekanismo ng mga walang kalaban-laban?

MalayaWhere stories live. Discover now