Epilogue

26 2 0
                                    

Epilogue

--




Sheesh, ang tigas ng ulo niya. Ang sama, makasarili, at immature pa!



Bakit ba ako na-in love sa kanya?



I kept stomping forward. Before knowing it, mag-isa na akong naglalakad sa madilim na kakahuyan.



It's the first time I've alone since we arrived in Romania.



Lagi siyang kasama ko, kaya...



Hindi lang sa Romania. Parang natural na sa akin na laging nandiyan si Yamato. At ngayong wala siya, doon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang presensya niya.



Hindi ako makapaniwala na nag-iisa ako sa foreign city. Paano kung may mangyari?



Habang humuhupa ang galit ko, unti-unting pumapasok ang takot at kaba. Mahirap manatiling kalmado.



Anong dapat kong gawin?



Dapat ba akong bumalik?



Pero kahit bumalik ako, hindi naman ibig sabihin na makikita ko si Yamato doon. I'm sure Yamato made progress with his path.



What should I do?



Kung wala namang nandoon kahit na magpatuloy ako...



Hindi ko malalaman kung kailan ako dapat bumalik.



I'm sure hindi pa huli ang lahat.



Kung hahabulin ko si Yamato, sigurado akong mahahabol ko siya. Dapat itigil ko na ang pagiging matigas ang ulo at bumalik na.



Nang tumigil ako para bumalik...



*TAP TAP TAP TAP TAP...*



Footsteps?



May narinig akong lumalakad patungo sa akin. At palapit ito nang palapit.



Hindi siya... si Yamato. Galit siya.



Kung ganoon, sino ito?



Natakot akong lumingon. Nang bilisan ko ang lakad, sumabay din ang mga footsteps.



Tumakbo ako, para makalayo sa mga footsteps na iyon.



Tapos...



"Hey."



"Eep!"



May humawak sa balikat ko mula sa likod. Kay Yamato pala ang mga footsteps.



Yamato!



Nang makita ko siya, nakahinga ako nang maluwag at nanghina ang mga tuhod ko. Babagsak na sana ako sa sahig, pero nasalo ako ni Yamato.



"...Idiot."



"..."



"Ano sa tingin mo ang gagawin mo kung wala ako? Akala ko babalik ka kaagad... pero hindi. Hindi ko pa nararanasanang makasama ang ganito katigas ang ulo..." reklamo ni Yamato na may halong pag-aalala.



"Yamato..."

Mahigpit akong niyakap ni Yamato. Naramdaman kong nalusaw ang lahat anxieties ko sa yakap na iyon.



After a moment, he mumbled. "...Tama ka."



"Huh?"



"Nagtanong ako ng direksyon sa isang lokal na nakasalubong ko. Ang lugar na gusto kong puntahan ay nasa direksyong ito."



MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now