Chapter 23

28 3 0
                                    

Chapter 23

--




"Nagtagal ako nang mas matagal kaysa sa inaasahan ko."



Gabi na ako nakarating sa station. Naglibot ako sa ilang department store, at natagalan.



I wonder kung nakauwi na ba si Yamato?



Iba't ibang pagkain ang binili ko sa deli section, para makapagsimula na kami ng hapunan pagkauwi ko.



Nagmadali akong dumaan sa turnstile. Just then, nakita kong nakatayo si Yamato sa harapan ko.



"Kougami!"



"You're late. Gaano ka katagal sa city hall?"



"Oh."



Nakalimutan kong sinabi ko sa kanya na hindi ako magtatagal dahil pupunta lang ako sa city hall. At may balita tungkol sa isang pangyayaring pagnanakaw.



Baka nag-aalala siya at sinundo ako. Na-touch ako sa sweet gesture ni Yamato.



Nagpasalamat ako sa kanya. "Salamat, Kougami."



"Huh?"



"Pumunta ka dahil nag-aalala ka sa akin, 'di ba?"



"H-hindi naman. May mga errands lang akong kailangang asikasuhin dito." utal-utal na sabi niya.



"Hindi mo kailangang magsinungaling. Nag-aalala ka sa mugging, 'di ba?"



"Whatever. What idiot would mug you?
Pero kung gusto mo magpasalamat, tatanggapin ko. Okay lang din kung mai-inlove ka sa akin. Since I'm such great guy." natatawang sabi niya.



"Totoo 'yun." pagsang-ayon ko.



"Huh?"



"I think you are great." dagdag ko pa pero bigla siyang natahimik. "Oh, um..."



Sumagot ako nang hindi katulad ng pang-aasar ko dati. Hindi inaasahan ni Yamato ang ganitong sagot at nagsimula siyang mag-blush.



"S-stop that! Huwag kang sumasang-ayon sa akin!"



"Alam ko, pero..."



Lumabas ito nang natural!



I got flustered and...



"I meant great, as in yung looks mo."



"Siguro hindi na ako magagalit sa sinabi mo. Naguguluhan ako sa 'yo. Stop acting different, Pouty."



Hindi siguro inaasahan ni Yamato ang ganoong uri ng sagot, at pinagpapawisan siya dahil sa pagkataranta.



At ako naman ay nahiya sa sinabi ko, kaya't nagkaroon kami ng awkward na katahimikan.



"Uh, uuwi na ba tayo?"



"Y-yeah, we should. Ibigay mo sakin ang mga bag, ako na ang magdadala."



"Oh, pero mabigat 'to."



"Alam ko. Kaya ibigay mo sa akin." kinuha ni Yamato ang mga shopping bags sa mga kamay ko. "Come on, let's go."



"Okay."



Nagsimulang maglakad nang mabilis si Yamato. Sinundan ko siya ng isang hakbang sa likod.



Naglakad kami pauwi nang hindi nagsasalita. Normally, nag-aasaran kami.



Things feel different since last night. Nagbabago na ba ang relasyon namin?



Iba't ibang bagay ang tumatakbo sa isipan ko habang sabay kaming naglalakad pauwi.




~*~




Kinabukasan...



Naglabas ako kasama si Yamato para magtapon ng basura.



*Yawn*



"That was a huge yawn. Parang hippo." pang-aasar ni Yamato.



"Hindi ako hippo."



"Yan ang sagot mo? Come back with something smarter. You aren't fully awake yet, huh?"



Sa totoo lang, hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, naiisip ko si Yamato at hindi ako nakatulog hanggang madaling araw.



Normally, makakatulog agad ako pagkahiga ko sa kama. Ano kaya ang problema sa akin?



Pero habang naiisip ko 'to lalo akong nagiging kakaiba. Sinusubukan kong kumilos ng normal.



"Nagpapanggap lang akong inaantok. 'Di ba laging kulang sa tulog ang mga bagong kasal?"



"What? You perv. Well, kung totoong bagong kasal tayo, hindi kita papatulugin sa gabi."



"Kapag dumating ang panahon na 'yon, magpapahinga ako ng marami. Magpapahinga din ako ngayon."



"You lazy housewife. Ibabalik kita sa inyo."



"Sige lang. Hindi naman talaga tayo kasal."



"Oh, 'yan na ba ang sagot mo ngayon?"



We finally got back to our usual pace.



Tinulungan ako ni Yamato na magtapon ng basura, at sinamahan ko siya palabas.



"See you later." paalam niya sa akin.



"Have a nice day." sabi ko.



Kumaway siya sa akin bago magtungo sa trabaho. Pinagmasdan ko siyang umalis hanggang sa hindi ko na siya makita.



'Married couples would see each other go to work everyday like this. I wonder kung darating din kaya ang araw na 'yon para sa akin?'



I daydreamed about my married life.



Just then. Biglang gumalaw ang bushes malapit sa entrance.



"Hmm?"



May nakita akong anino sa gilid ng entrance ng apartment.



May tao ba diyan?



The person in the shadows walked out.



"Yuri!"



Lumapit si Yuri. Galit na galit siyang  naglakad papunta sa akin.



"Anong ibig mong sabihin doon?"



"Ha?"



"Sabi mo, 'Hindi naman talaga tayo kasal.' Anong ibig mong sabihin doon?"



Narinig niya ang usapan namin kanina? Nalaman niyang hindi talaga kami kasal!





-end of chapter 23-

MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now