Chapter 24

26 2 0
                                    

Chapter 24

--




"Sinabi mo, 'Hindi talaga tayo kasal.' Anong ibig mong sabihin doon?"



"..."



Naramdaman kong namutla ang mukha ko.



Nakatingin siya ng masama habang naglalakad siya papalapit sa akin.



"Pumunta ako para makita si Mr. Kougami, pero pareho kayong lumabas kaya nagtago ako sa likod ng mga halaman. Naomi, sinabi mo 'Hindi naman talaga tayo kasal.' right?"



"Hindi, ako..."



"Hindi mo maitatanggi 'yon. Narinig ko. Sinabi pa nga ni Mr. Kougami, 'Kung totoong bagong kasal tayo.' Ibig sabihin hindi kayo kasal, right?"



"..."



Oh no! Pader na pala ang nasa likuran ko.



Napansin niyang wala akong masabi, kaya ngumisi siya.



"Tingnan mo. Tama ako. There's no way na pakakasalan ni Mr. Kougami ang isang tulad mo. That's a relief. I really believed you were married for a second."



"Um..."



"I'm sorry. Kailangan ko nang pumasok sa school kung saan hinihintay ako ni Mr. Kougami." may ngiting tagumpay si Yuri habang tumatakbo patungo sa direksyon na tinungo ni Yamato.



Naiwan akong mag-isa, nakatayo roon at hindi alam ang gagawin.



Kung sasabihin niya sa vice-principal, maaaring magkaproblema ang trabaho ni Yamato!



Anong gagawin ko!?




~*~




Nang hapong 'yon.



Nag-aalala ako tungkol sa nangyari kaninang umaga habang naghahanda ako ng hapunan.



I wonder kung may sinabi ba siya kay Yamato sa school ngayon. Pero gusto niya si Yamato. Kaya hindi siya magsasabi ng anumang bagay na ikagagalit nito sa kanya.



May gagawin ba siya sa akin?



*DING DONG*



Biglang tumunog ang doorbell at napatalon ako. Kung si Yamato 'yon, siya mismo ang magbubukas ng pinto.



Ibig sabihin...



Kinuha ko ang receiver ng intercom at tiningnan ko ang monitor para malaman kung sino ang nasa labas.



"Hello."



Sabi ko na nga ba!



It's Yuri, nakasuot pa rin siya ng school uniform. Marahil ay dumiretso siya dito agad pagkatapos ng klase.



"May maitutulong ba ako sayo?" tanong ko sakanya.



"Pwede mo bang buksan ang pinto?"



"Hindi pa umuuwi si Yamato."



"Hindi ako pumunta dito para kay Mr. Kougami. Pumunta ako para makipag-usap sayo."



"..."



"Hindi mo bubuksan ang pinto? Sasabihin ko sa lahat ang kasinungalingan nyo."



MFW | Yamato Kougami (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon