Chapter 7

59 3 0
                                    

Chapter 7

--




Ang vice-principal!



Isang bisita sa kalagitnaan ng gabi. Muntik ko nang mabitawan ang intercom receiver. Nang makita ko ang nasa screen ng intercom ay ang vice-principal.



"Good evening." bati nito.



Natauhan ako at sinagot ang intercom. "Good evening."



"This must be Mrs. Kougami. Nakauwi na ba ang asawa mo?" 



"Naliligo siya ngayon. Kung may message kayo, I can relay it to him."



"Oh, I don't have a message." itinaas ng vice-principal ang isang bagay para ipakita sa camera. "May dala akong Nara pickles na natanggap namin. I thought I would share some with you."



"Pickles, I see."



"Pwede mo bang buksan ang pinto?" tanong niya.



"Um, hayaan nyo pong tawagin ko ang asawa ko."



"Hindi mo ba muna ako papapasukin sa loob?"



"..."



Hindi naman siguro paghihintayin ng isang normal na asawa ang boss ng kanyang asawa sa labas, diba?



Hindi, papapasukin nila ito. Pinag-isipan ko saglit at nagpasya na papasukin siya.



"Pasok po kayo."



"Salamat."



Pinindot ko ang door release button sa intercom. Lumakad palayo sa screen ang vice-principal.



Oh no. Paano kung magsimula siyang magtanong? Anong mangyayari kung malaman niya na hindi kami kasal?



"Pasok po kayo."



"Maraming salamat."



Dinala ko ang vice-principal sa living room. Nagtingin-tingin siya sa paligid ng room.



"Paghahandaan ko po kayo ng tsaa."



"Wag na, hindi na kailangan. This isn't much, pero ang pamilya ng asawa ko ang nagpadala ng mga ito sa amin. Sana magustuhan nyo."



"Salamat."



Tinanggap ko ang pickles mula sa vice-principal. After an awkward moment, nagsalita ang vice-principal.



"Um." panimula niya.



"Po?"



"I don't want to intrude, pero housewife ka ba?" tanong niya sa akin.



"Um, siguro nga."



"Siguro nga?"



"Housewife po ako. Although naghahanap ako ng trabaho." sagot ko sa kanya.



"A housewife, i see." bumaba ang tingin ng vice-principal sa sahig. "Ginagamit mo ba ito bilang housewife?"



"Po?"



Tinitingnan ng vice-principal ang Roomba. "Hindi ko sinasabing hindi mo dapat gamitin 'to. Iniisip ko lang na ginagamit 'to ng mga taong walang asawa o ng mga pamilyang parehong may trabaho. Ginagamit 'to ng mga taong walang oras sa gawaing-bahay."



MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now