Chapter 17

36 3 0
                                    

Chapter 17

--


"Hoy, sinisilipan mo ba ako? O pumunta ka dito para akitin ako?"



"..."



"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang nunal sa likod niya? Sa kaliwa ng kanyang likod, malapit sa kanyang shoulder blade."



Nagpapalit si Yamato ng damit habang nakatalikod sa akin. At sa kaliwa ng kanyang likod, malapit sa kanyang shoulder blade ay may nunal.



Totoo ang sinabi ng babaeng 'yon...



So nagkaroon ba talaga sila ng relasyon?



Tinitigan ko ng mabuti ang likod ni Yamato, at inikot ni Yamato ang kanyang mga mata.



"Hanggang kailan ka tititig? You perv." dagdag pa niya.



"Huh?"



"Gusto mo hubarin ko rin ang pantalon ko?" panunukso niya sa akin.



"No...No thank you! Maghahanda na ako ng hapunan." utal-utal kong sagot sa kanya.



"Uh, Pouty?"



Tumakbo ako palabas ng kwarto habang tinatawag ako ni Yamato.



Nakakagulat 'yon. Hindi ko inakala na talagang may nunal siya.



So ibig sabihin ba, may relasyon nga sila?



"Sana maintindihan mo ang relasyon ko kay Mr. Kougami."



Kung hindi sila nasa isang sekswal na relasyon, hindi niya malalaman kung saan ang nunal nito. Pero...



Why am i so flustered?



Dahil ba guro siya at estudyante ang babaeng 'yon?



Nadidismaya ba ako na nakipag-date si Yamato sa isang estudyante?



O may iba pang bumabagabag sa akin?



Kinabukasan.



Walang pasok ngayon. Sobrang sigla ni Yamato simula pang umaga.



"Kakain ako ng marami ngayon!"



"Ang energetic mo ngayon, Kougami."



"Syempre. Araw ng laro ngayon!"



Ngayong araw, maglalaban ang baseball team ng grupo na "Long Island" laban sa isang koponan mula sa katabing lungsod.



Matagal na silang hindi nakakapaglaro, kaya excited si Yamato.



"Gusto mo bang manood?" tanong niya.



"Pwede ba?"



"Syempre. Ikaw ang asawa ko."



"..."



"Anong problema?"



Natahimik ako, at nagtataka si Yamato habang tinitingnan ang mga mata ko.



Naalala ko ang tawag ni Yuri kagabi. Hindi ko pa siya nababanggit. Gusto kong tanungin siya, pero...



Hindi ko gustong itanong bago ang baseball game. I held my tounge at ngumiti sakanya.



"I'll go if i can. Anong oras magsisimula ang laro?"



"At noon. Pwede kang dumaan bago magshopping."



"Sige."



"Hihintayin kita!" masayang sabi niya.



Pagdating sa baseball, parang bata si Yamato.



Ang baseball game ni Yamato. Excited ako dito. Siguro, dapat gumawa ako ng picnic at pumunta?



Nang makita kong umalis na si Yamato, nagpasya akong gumawa ng picnic basket para sa lahat.




~*~




"Doon ang baseball field."



Hawak ang picnic basket, tinungo ko ang baseball field kung saan ginaganap ang laro.



Sa daan, nabangga ko ang lalaking nakilala ko noon.



"Oh, hello." nakangiting bati niya sa akin.



"Hello."



Ito na ang ikatlong beses na pagkikita namin. Pakiramdam ko, pamilyar na siya sa akin. Nagkwentuhan kami habang naglalakad sa kalsada.



"Are you going out today?" tanong niya.



"Opo. Manonood ako ng amateur baseball game." tugon ko.



"Ang ganda ng panahon para sa baseball game. Naiiggit ako."



"Pupunta ka ba sa trabaho ngayon?" tanong ko naman sa kanya.



"Sa kasamaang palad, oo. Marami akong gawain na kailangan asikasuhin." malungkot na sagot niya.



"I'm sorry for intruding, pero anong klaseng trabaho ang ginagawa mo?"



"Nagtatrabaho ako sa isang school. Principal ako sa isang all-girls' school."



"An all-girls' school..." katulad ni Yamato.



"Kailangan ng maraming pagsisikap para maintindihan ang mga estudyante ngayon."



"Naiintindihan ko. Lalo na po sa mga babae."



"Totoo 'yan. Pero noong lumisan ako sa hands-on teaching para gawin ang administrative work... hindi ko na masyadong nakakausap ng mga estudyante one-on-one. Tuwing nakikita ko ang mga batang teacher. nabubuhayan ako at naiisip ko na bumalik sa pagtuturo." mahabang wika niya.



"May mga batang teacher sa school nyo?" tanong ko.



"Meron. One in particular..." mukhang nahihiya pa ang lalaki. "Kamukha niya ang minamahal ko noong matagal na panahon. Lalaki ang teacher na 'to. Pero kamukha niya ang isang babae na nililigawan ko noon."



"Ganon po ba?"



"Isang siyang napakabait na binatang lalaki, at sana mayroon akong anak na katulad niya. Pinagkakatiwalaan ko siya nang husto." dagdag pa nito.



"Um, saang school po ba kayo nagtatrabaho?"



"Oh, goodness. I almost missed my turn. See you soon." magalang na yumuko ang lalaki at lumiko sa corner.



Iyon ang direksyon kung saan matatagpuan ang school ni Yamato.



I wonder if they work at the same all-girls'school?



Dapat kong tanungin si Yamato sa susunod.





-end of chapter 17-

MFW | Yamato Kougami (season 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt