Chapter 6

57 3 0
                                    

Chapter 6

--




"I'm home." sabi ni Yamato.



"Pasensya na sa pagpasok ko."



Nakarating na kami sa bahay ni Yamato. Nakatira siya mag-isa sa isang mataas na gusaling apartment sa Asabu.



Ang labas ng apartment, ang kanyang mga gamit, at mga kagamitan sa bahay ay lahat sophisticated at stylish.



"Napakalinis ng apartment mo." puri ko.



"Of course. Gusto ko malinis ang mga bagay-bagay."



"Sigurado ka bang wala kang taong naglilinis ng bahay mo para sayo?" tanong ko kay Yamato.



"Sa totoo lang..."



"Meron ba!?"



"Let me introduce you to my roommate." hinaplos ni Yamato ang isang bagay na parang disc sa kanyang mga paa.



Ito ay isang Robovac.



"I'm home, Roomba. Salamat sa paglilinis ulit ngayon." sabi niya.



"Ito ba ang machine na nag-vacuum sa bahay mo nang hindi mo kailangang mag-ayos?" 



"Ang lamig ng paglalarawan mo... Para sa akin, ang Roomba ko ay parang alaga ko... hindi, parang pamilya ko. Ang cute tingnan kapag bumabalik ito sa dock niya para mag-charge. Kapag nabubuhol ito sa mga kable, tumatakbo ako para kausapin at humingi ng tawad dito. Kaya nga sinabi ko 'i'm home' nang makarating tayo dito." paliwanag niya.



I thought it was weird na sinabi niya yon kung walang tao sa bahay. Hindi ko akalain na binabati niya pala ang Roomba niya.



"Well, mas marami kang malalaman tungkol sakin habang magkasama tayo." umupo si Yamato sa sofa.



Tumingin siya sa akin na nakatayo sa kwarto na mukhang hindi mapakali.



"Anong ginagawa mo? Umupo ka."



"Pero..."



"Dito ang upuan mo."



"Whoa." hinila ni Yamato ang kamay ko at nahulog ako sa sofa. "Bakit mo ginawa yun?"



"Dito ako palagi nakaupo. Kaya dito ka na uupo. Ito na ang upuan mo simula ngayon."



"..."



Gabi na. Isang lalaki at isang babae ang magkatabi sa sofa. Wala pang isang braso ang layo namin. Now that I think about it... we're all alone.



Oh no, nagsisimula na akong kabahan.



Upang basagin ang katahimikan, sinimulan kong kausapin ang Roomba. "A-Ang cute ng Roomba mo."



"..." si Yamato na hindi sumagot.



"Lalaki ba o babae?"



Kinausap ko ang Roomba at hinaplos ito, nang magsalita si Yamato.



"Hoy."



"Yes?"



"Kinakabahan ka ba?" tanong niya.



"Huh?"



"..."



Tinitigan niya ako. Lalo akong kinakabahan at napatigil sa paggalaw habang nakaupo sa tabi niya.



MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now