Chapter 12

45 3 0
                                    

Chapter 12

--


Ilang araw na ang nakakalipas mula nang pumunta ako sa school ni Yamato. Walang pasok ngayon, kaya pumunta kami ni Yamato sa isang shopping district para bumili ng mga ingredients para sa dinner.



"Anong lulutuin mo mamaya, Pouty?" tanong ni Yamato sakin.



"Ako?"



"I don't mind making dinner. But I'd like to eat something that my lovely wife made, too."



"My lovely wife..."



"I can tell the vice-principal, ang asawa ko ang nagluto ng ganito kagabi. Kailangan ko rin naman ng proof para mas maging convincing ang kasal natin." sabi ni Yamato na may ngiti sa kanyang mukha.



"Gusto mo ng realidad, huh?" sabi ko.



"That's right. Nakuha mo na rin sa wakas. Tinukso ako ng mga estudyante ko pagkaalis mo. Sabi nila, 'Aw, ang cute ninyong dalawa!'"



"Yung mga nakapaligid sayo?" tanong ko.



"Naniwala silang asawa kita. Nagwork ang plano natin!" tumawa ng mahina si Yamato.



Naalala ko ang babaeng nagngangalang Yuri.



"Hindi ako naniniwalang kasal kayo!"



Ano kaya ang ibig niyang sabihin doon?



Alam kong may gusto siya kay Yamato. Pero para sabihin na hindi siya naniniwalang kasal kami?



Jealousy kaya ang dahilan kung bakit niya sinabi yun? O may iba pa siyang alam?



Sa gitna ng pag-iisip ko, bigla akong tiningnan ni Yamato.



"Hey, may problema ba?" tanong niya sa akin.



"Whoa!" gulat na sabi ko.



"Nagde-daydream ka ba? Nakapagdesisyon ka na ba kung ano ang lulutuin mo ngayong gabi?" tanong niya.



"Paano kung Japanese-style Salisbury steak?" sagot ko.



"Perfect. Gusto ko ang mga Japanese-style na pagkain. You're starting to understand my tastes." nakangiting sabi ni Yamato.



"Hindi naman mahirap kapag nakasama mo na ang isang tao."



"Ha! Ang yabang mo. Isang linggo pa lang tayo magkasama."



Tama si Yamato. Pero mas komportable na ako kaysa noong unang araw na nagkakilala kami.


Malaki talaga ang pagkakaiba kapag magkasama kayo sa iisang lugar...



"Nakatira ka na ba kasama ng ibang tao dati?" tanong ni Yamato.



"Hindi. Ikaw ba, Kougami?"



"I had someone force herself here. Pero pinalayas ko siya dahil nakakainis na siya."



"Nakakainis, huh?"



"Importante ang oras na ginugol mo sa bahay. Ayaw mong guluhin ng iba ang lifestyle mo." sabi niya sa akin.



"Okay lang na guluhin ko ang lifestyle mo?"



"Huh?" takang tanong niya.



MFW | Yamato Kougami (season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora