Chapter 26

36 2 0
                                    

Chapter 26

--




"I care about you. I love you."



Nang walang mapagtataguan, tumalikod ako kay Yamato.



"H-huwag kang tumingin! Wag!"



And a flurry of passionate kisses. At first I was shocked, but soon I was drowning in his tender kiss.



Dahan-dahang tinanggal ni Yamato ang labi niya. Nahihiya akong tumingin sa kanya, kaya tumingin ako sa ibaba.



Ipinulupot niya ang mga braso niya sa likuran ko at tiningnan ang mukha ko.



"Pouty."



"..."



"Look at me."



Hindi ako makapagsalita, kaya't umiling na lamang ako. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang mainit na titig ni Yamato.



"I wouldn't do this if I wasn't being sincere. Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo." wika niya.


Maya-maya, binitawan na niya ako at sa wakas ay tumingala ako.



"Kougami."



"I'm gonna go shower. Hindi ko alam kung makokontrol ko ang sarili ko kung mananatili akong malapit sayo ngayon." umalis na si Yamato sa kitchen.



Naiwan akong mag-isa, nakatayo lang ako.



Mahal ako ni Yamato?



Nang sabihin niyang, "I love Naomi" sa harap ni Yuri. Mukhang seryoso si Yamato kaya halos maniwala ako...



Pero simula nung hinalikan niya ako, ngayon alam ko na.



In love din ako kay Yamato. I want him.



Pero ngayong alam na namin ang nararamdaman namin sa isa't isa...



Kaya ba naming ipagpatuloy ang pagsasama-sama ng ganito?




~*~


Kinabukasan.



Nakahiga ako sa kama, tila lutang at nakatingin sa kisame.



Wow, umaga na pala.



Hindi ako masyadong nakatulog kagabi.



Ang mga salitang binitawan ni Yamato...



At ang mga mapusok na halik na pinagsaluhan namin.



Ang lahat ng iyon ay umiikot sa isipan ko at walang paraan para makatulog ng ganun na lang. Parang matamlay ang pakiramdam ko. Magulo ang isip ko.



Dapat maligo ako. Bumaba ako mula sa kama.



Kahit nagtatanggal ako ng mga damit ko, si Yamato lang ang nasa isip ko. I thought it would be uncomfortable to see him, pero mukhang lumabas siya.



I wonder kung saan nagpunta si Yamato? Walang pasok ngayon, kaya wala siyang trabaho. Kumuha ba siya ng dyaryo?



Habang nag-iisip ako, naghubad ako ng damit ko. Tapos may narinig akong pumasok sa harap.



"Whew, matagal na akong hindi nagjogging ng 10 kilometers. Pagod na pagod ako. Pasensya na, Pouty. Magluluto ako kaagad ng agahan. Tulog ka pa ba?"



Dahil nakasara ang pinto ng kwarto ko, akala ni Yamato ay natutulog pa ako.



Nang ma-realize ko 'yon, narinig ko na ang mga yapak ni Yamato sa labas ng pintuan ng banyo.



"I guess maliligo muna ako."



Ano!?



"Yamato, huwag kang papasok!"



"Ha?"



Mabilis akong kumuha ng tuwalya at tinakpan ang sarili ko. Pero huli na ang lahat. Binuksan na ni Yamato ang pinto.



"Oh, sorry!"



Nang makita akong half naked, nanlaki ang mga mata ni Yamato. Dahil wala akong mapagtataguan, tumalikod ako sa kanya.



"H-huwag kang tumingin! Wag!"



"Hindi ako tumitingin! Well, I did, but... I didn't get a good look!"



"Isara mo na lang ang pinto!"



"Sige."



Agad na isinara ni Yamato ang pinto ng banyo. With barely anything on, I crumbled to the floor.



Oh gosh... hindi ako makapaniwalang nakita niya ako ng ganito. 



And of all things, pagkatapos ng nangyari kahapon.



Pagkatapos na halikan ko siya ng ganun, at ngayon nakita niya akong half naked. Paano ko haharapin si Yamato ngayon?



Pero kung iba ang kinikilos ko, mas nakakahiya. Dapat akong kumilos ng normal.




~*~




Matapos maligo, tumungo ako sa sala. Tinatakpan ni Yamato ang mukha niya habang nagbabasa ng dyaryo.



Mukhang mamumula ang mukha ni Yamato. Baka nahihiya siya sa nangyari?



Nagdesisyon akong makipag-usap na parang walang nangyari. "Kougami, pwede ka nang maligo ngayon."



"Hm? Ah, sige. Maliligo na ako."



"Hindi ko alam na mahilig ka palang mag-jogging."



"Minsan lang kapag day off. Sinusubukan kong manatiling fit."



"Mukha ka namang maskulado."



"Eh, ikumpara mo sa'yo, Pouty. Ang katawan mo..." bigla siyang tumigil sa pagsasalita at namula.



Sinubukan kong mag-salita ng normal, pero lalo lamang itong nagdulot ng kahihiyan.



"Maliligo na ako."



"Sige."



Nagtungo na siya sa banyo. Malalim akong napabuntong-hininga.



Siguro ito na ang pakiramdam ko sa ngayon...



Pero ang sinasabi niya lang ay 'mahal kita' at wala ng iba...



I wonder what Yamato really wants from me.



And I also wonder what I'm expecting from him...





-end of chapter 26-

MFW | Yamato Kougami (season 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum