Chapter 5

71 3 0
                                    

Chapter 5

---




"Pouty..."



A-Anong nangyayari!?



Habang naglalakad kami pauwi ng gabi. Yamato wrapped his arm around my shoulder. Lumapit ang maganda niyang mukha sakin at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.




"K-Kougami..." nauutal kong tawag sa kanya.



"Shhh."



"Pero..."



"Tumahimik ka na lang." bulong niya sa tainga ko.



Sobrang lapit ng mukha namin, ramdam na ramdam namin ang hininga ng isa't isa. Sa kabila ng sitwasyong 'yon, nabighani ako sa mukha ni Yamato. Mahahaba ang pilik mata niya. Clear din ang balat niya.




Simula ngayon, magsasama na kami sa iisang bahay. Bumaba ang tingin ni Yamato sa akin. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko nang magtama ang mga mata namin.




"Wag mo akong titigan ng ganyan." bulong niya.



"S-Sorry."



"You're standing awkwardly. Tumayo ka lang nang natural."



"Natural?"



"Ganito." hinila niya ang ulo ko papunta sa balikat niya.



"Ack!"



"Wag kang magulat. Humawak ka sa baywang ko."



"Baywang?"



"Oo like para bang mahal na mahal mo ako higit sa lahat ng bagay sa mundo."



Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sabay kaming naglakad, magkayakap.



May dadaanan na sana kami nang... tinawag niya kami. "Oh, Mr. Kougami?"



"Yes?" dahan-dahang lumingon si Yamato para tingnan siya. Nanlaki ang mata niya. "Oh, hello vice-principal."



Huh?



Ang lalaking tinawag niyang vice-principal ay isang middle-aged na lalaking naka-suit.



Nakita ng vice-principal na magkayakap kami at kumunot ang noo niya.



Ang dahilan kung bakit ako hinila ni Yamato palapit ay... para ipakita sa lalaking ito?



To prove my point, hindi binitawan ni Yamato ang balikat ko. Karamihan sa mga tao ay bibitaw kung makakabangga nila ang kanilang boss.



"Umuwi ka ng ganitong oras, vice-principal?" tanong ni Yamato.



"Oh, oo. May ilang gawain kaming kailangang asikasuhin. Anyhow." tiningnan ako ng vice-principal. "Hindi naaangkop para sa isang guro na makita na naglalambingan sa publiko."



"Naglalambingan?" tanong ni Yamato.



"Nakita kita sa malayo. May ibinubulong ka sa kanya." 



"Oh."



"Ayokong makita 'yon ng mga estudyante o ng kanilang mga guardians." striktong wika ng vice-principal.



MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now