Chapter 9

54 3 0
                                    

Chapter 9

--




"Zzz..."



"Pouty."



"Mm?"



"Pouty. Hoy, Pouty."



"Mom?"



Pero hindi ako tinatawag ni mama na Pouty...



"Tinatawag mo ba akong 'Mom?'"



"Huh?"



Nasa kumportableng kama ako.
Iminulat ko ang aking mga mata sa isang hindi pamilyar na boses at bumungad sakin ang mukha ni Yamato.



"Eek!"



"Ano ang ibig mong sabihin sa 'Eek!?' Hindi ako halimaw. Bilisan mo at bumangon na!"



"Whoah!"



Kinuha ni Yamato ang comforter sa akin. Mabilis akong tumalon mula sa kama.



"Bakit mo ginawa 'yon?" galit na tanong ko sa kanya.



"Madalas kang gumalaw kapag natutulog. Baligtad ka sa kama. At ano yan, pambatang pajama? Wala akong balak galawin ka."



"May balak kang gawin sa akin kaya mo ako pinuntahan!?"



"Syempre hindi, tanga." umirap siya sa akin. "Gusto mo ba ng tinapay o kanin para sa almusal?"



"Mas gusto ko ang tinapay."



"Sige. Bilisan mo at maghilamos na." yan lang ang sinabi ni Yamato bago siya lumabas ng bedroom.



Ah, pumunta siya para gisingin ako. Nag-stay ako sa apartment ni Yamato kagabi for the first time. Pinayagan niya akong gamitin ang kama niya, at siya naman ay natulog sa sofa.



Pero hindi pa rin dapat siya basta-basta pumasok kung saan may natutulog!



Pero dahil sa kanya, gising na gising na ako.



Nag-stretch ako bago ako magsimulang magbihis. Naghilamos ako at pumasok sa living room. May dalawang magkaibang set ng almusal sa dining table.



"Bakit may dalawang set?" tanong ko.



"Kasi gusto mo ng tinapay. Mas gusto ko ang kanin sa almusal. Nakakapagod. Kung gusto mo ng kanin, isang uri lang ginawa ko." sagot ni Yamato.



Sa harap ni Yamato ay kanin, miso soup, sunny-side up na itlog, at inihaw na gulay. Parang almusal na iseserve sa isang Japanese inn.



At sa harap ko ay croissant, omelet, at green salad. Parang almusal na iseserve sa isang hotel.



"Kung sinabi mo, kakainin ko na lang din ang katulad ng sa iyo."



"Hindi mo kailangang mag-sorry. Bago ka pa lang dito at hindi ka pa sanay. Kainin mo ang gusto mong almusal."



He's blunt... pero actually thoughtful sya.



"Salamat." pinagdikit ko ang mga kamay ko sa harap ng aking dibdib.



"Kain na." Yamato.



Kinagat ko ang mainit na omelet. "Masarap!"



"Syempre. Ako ang nagluto."



MFW | Yamato Kougami (season 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora