Chapter 8

47 3 0
                                    

Chapter 8

--




Whew, pagod na pagod ako. Hindi ito ang buhay ng isang bagong kasal.



Dahan dahan kong hinubad ang damit ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at naalala ko ang ginawa namin.



It was...kinda fun.



Saying sweet things to each other. Pumayag akong magpanggap na asawa niya, pero hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito. Sumisigaw ng mga kalokohang bagay kasama ang hubad na si Yamato.



Nag-eenjoy ba ako dito? Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko.



Nagulat ako sa sarili ko dahil sa hindi inaasahang pakiramdam na ito.



Tinanggal ko ang aking mga contact lens at nilagay sa likod ang aking buhok. Pumasok ako sa banyo na maulap pa rin.



"La la la. Ah, ang sarap sa pakiramdam!"



Iniunat ko ang mga braso ko at binti sa bathtub habang kumakanta. Iniisip ko ang lahat ng mga nangyari ngayong araw.



Ang daming nangyari ngayong araw. Dumating ako sa Tokyo sa unang pagkakataon at nakita si Uncle na hindi ko nakita sa loob ng sampung taon.



Nakilala ko ang mga lalaki sa bar ni Uncle...



At naging asawa ako ni Yamato. Hindi ko inaasahang pupunta ako sa bahay ng isang taong kakakilala ko lang at maliligo.



Pero nakakagulat, naramdaman ko talagang nakakarelax. Ang laki ng banyo. Masyadong malaki para sa isang taong nakatira mag-isa.



"You're not going to take bath with me?"



Naalala ko ang sinabi ni Yamato kanina.



Sapat ang laki ng banyo para sa aming dalawa.



Teka, ano ba itong iniisip ko?



Nahihilo ako kakaisip ng mga bagay na ito. Lumabas ako ng bath tub para magpalamig nang may nakita akong anino sa glass door.




"Hoy."



Nagulat ako nang makita ko ang anino ni Yamato sa pamamagitan ng smoked glass.



Ibig sabihin nakikita niya rin ang katawan ko...



"Ack!" hiyaw ko.



Tumalon ulit ako sa tub. Gumalaw ang anino ni Yamato sa kabilang bahagi ng pinto.



"Bakit ka ba sumisigaw ng ganyan? Hindi mo ako maaakit ng ganyan."



"Hindi kita inaakit!"



"And was that your bad singing? Narinig ko 'yon hanggang sa living room."



"Oh, pasensya na." narinig pala niya.



"Ano bang kinakanta mo? Medyo may ritmo." tanong niya.



"Yozakura Oshichi ni Fuyumi Sakamoto."



"Fuyumi Sakamoto?"



"Oh, Ayaya-type ka ba o fan ni Ayako Fuji?"



"Hey, may gusto akong malaman." biglang sabi ni Yamato.



"Ano yun?"



"Hindi ka ba nagsisinungaling sa edad mo?"



"Hindi. Bakit?"



"Wala lang. Tungkol sa sleeping arrangements natin ngayong gabi. Iisa lang ang kama ko. Kaya kung sino ang mauna, siya ang matutulog sa kama."



"Ano? Hindi pwede!" mabilis akong bumangon mula sa tub.



"No, take your time. Hugasan mo ang bawat parte ng katawan mo."



Narinig ko ang mga yapak ni Yamato na naglakad palayo. Agad akong umalis sa tub.



Kung sino ang mauna sa kama? Wala akong pag-asa na mauna doon.



Gigisingin ko na lang siya at papaalisin siya sa kama!




~*~




"Hey, Kougami..."



"Zzz..."



"Huh?"



Lumabas ako ng banyo at tumakbo patungo sa living room. Natutulog si Yamato... hindi sa kama, kundi sa sofa.



"Zzz..."



Oh. Sinabi niya na kung sino ang mauna sa kama ay sakanya na ito. Pero binigay niya 'to sakin.



"Mm..." Yamato turned over on the couch looking cramped.



Mahimbing siyang natutulog na parang bata. Ang cute niya kapag natutulog. At sobrang ganda ng mukha niya.



Sandali kong tinitigan ang natutulog na mukha ni Yamato.



Teka, may gusto akong gawin.



Dahil tinatawag niya akong Pouty... gagawin ko rin 'yon sa kanya!



Pinisil ko ng bahagya ang pisngi ni Yamato. Pagkatapos ay sumimangot siya habang tulog.



"Pouty..."



Oh no.



Akala ko ay nagising ko siya kaya tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi niya.



"Zzz..."



Simula ngayon ay magsasama kami. I'm going to live as Yamato's wife. Kaya ko bang gawin ito?



Magtatagumpay kaya kami na itago ang sikretong ito nang hindi nalalaman ng vice-principal? At magkakaroon ba talaga ako ng trabaho?



Habang pinagmamasdan ko ang natutulog na mukha ni Yamato... Plenty of worries and a small bit of hope swirled around me.






-end of chapter 8-

MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now