Chapter 19

31 2 0
                                    

Chapter 19

--




"Dito ba ilalagay ang mga hindi pwedeng irecycle?"



"Yeah."



Morning. Nagtapon ako ng basura kasama si Yamato na papasok na sa trabaho.



"Mukhang maaga akong makakauwi ngayon." sabi ni Yamato.



"Oh, mabuti 'yan."



"Gusto mo bang pumunta sa bar ni Kuni..."



Nagkwentuhan kami habang nagpapaalam siya. Pero nang lumabas kami ng pinto ng apartment, nandoon si Yuri.



"Mr. Kougami."



"Onodera!" gulat na sabi ni Yamato.



Bakit siya nandito? Hindi ko pa naitatanong kay Yamato tungkol sa kanya.Tuwing naiisip ko na itanong sa kanya, may nangyayari.



"Anong ginagawa mo rito nang ganito kaaga?" tanong ni Yamato sa kanya.



"I changed my route. Dahil na-harass ako. Natatakot akong maglakad papuntang paaralan mag-isa. Pwede ba akong sumabay sa'yo papuntang paaralan, Mr. Kougami?"



"Takot? Maliwanag naman."



"Naman, sige na. Gawin mo na para sa cute mong estudyante. Pwede ka bang maging bodyguard ko?"



"..." Yamato.



"Sige na, please." nagmamakaawa niyang sabi kay Yamato.



"Fine. Ngayong araw lang, alright?"



"Cool." tumingin si Yuri sa akin. May ngiting tagumpay siya sa mukha. "Hihiramin ko muna ang asawa mo."



"Wag kang kumapit sa braso ko." reklamo ni Yamato, pero hindi naman siya mukhang galit.



Wala rin akong magagawa.



"Kougami." tawag ko kay Yamato.



"Yeah?" lumingon siya sa akin.



"Have a nice day."



"Thanks." sagot naman niya.



"Mr. Kougami, tara na." hinila ni Yuri ang braso ni Yamato. "Pwede mo ba sabihin sakin kung ano yung lalabas sa test ngayon?"



"Hindi pwede."



Naglakad silang papalayo habang nag-uusap. Pinanood ko silang umalis mula sa entry way.



Hindi talaga sinubukan ni Yamato na tanggalin ang braso ni Yuri. Alam ko na masarap sa pakiramdam na magustuhan ka ng mga estudyante mo. Naiintindihan ko yun, pero hindi ko maalis yung icky feeling. Dahil higit pa sa normal na relasyon ng estudyante-guro ang nararamdaman ni Yuri kay Yamato. Kahit asawa na niya ako.



Ibig kong sabihin, "fake" na asawa. Itinama ko ang sarili ko sa aking mga saloobin. Hindi dapat ako magselos kay Yamato. At hindi rin ako dapat magkaroon ng ganitong mga damdamin. Pero...



Argh! Bakit ba ako naiinis dito!? Hindi, hindi inis. Parang frustrated. Mabigat ang pakiramdam ng puso ko. Kung mananatili ako sa bahay na ganito ang nararamdaman ko, baka lalo pang lumala.



MFW | Yamato Kougami (season 1)Where stories live. Discover now