I stared at her for over a minute, nabalik lang ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Ezekiel. Umiling iling pa ako sandali, wanting to bring myself back in reality. Pero no, hindi ko maiwasan ang mapatitig sakanya.


"Tulala!" Turo ni Amara sa akin.


"Manahimik ka nga." Angil ko nalang sakanya.


Tinawanan nila ako sa backstage at natigil lang ang tawanan ng may pumasok na, na staff sa likod. Agad na rin pinaalis ang mga kaibigan namin baka siguro magsisimula na ang pageant niyan.


"Contestant be ready! We'll start in 5 minutes!" Sigaw nung staff sa amin.


Nang magsimulang umakyat ang contestant number one ay nandoon na ang hiyawan halos sila ay naka one-piece hindi katulad ni Kash na may cover-up pa talaga, baka sadyang hindi niya trip ang ipakita ang katawan niya. Meron din naman naka two-piece.


"Next is contestant number six!"


Pagkasabi nang emcee agad kaming umakyat sa stage at rumampa hindi katagalan ay pinunit ko ang sando na suot ko dahilan para umingay lalo ang crowd, tinignan ko si Kash na nakataas ang isang kilay at sa hindi katagalan ay tinanggal niya ang cover-up na kaniyang suot.


The way she removes her cover-up, nabingi ako sa sigawan sa crowd. I can't stop looking at her face the moment she was enjoying ramping and twirling on my side. She was so gorgeous at all, it feels like, it was my first time to be in love again.


Looking at her, I have my peace...


"Wow! Contestant number six hindi namin inaasahan ang pasabog niyo at hindi namin inaasahan ang magaganda niyong katawan, lalo na ang babaeng ito na halos lahat ng lalaki ay nakuha ang atensyon." Sabi pa ng emcee.


Picture taking pa ang naganap, hanggang ngayon ay hindi talaga ako tumitingin sakanya pati ang mga kaibigan ko na sa kasalukuyan ay nakatalikod sa stage, giving a vibe na busy sa mga phones. Pilit na pinapaharap nila Amara at Freya ang mga kaibigan ko pero hindi nila ito mapilit.


"Bakit nakatalikod mga kaibigan mo?" Narinig ko ang bulong ni Kash sa akin.


"Sign of respect?"


"Bakit hindi ka makatingin ng maayos sa akin?" Sa boses niya ay parang inaasar niya ako.


"Ayoko." I didn't think twice.


I just don't like looking and staring on woman's body. 


Hindi ko sinanay ang sarili ko na tumingin sa katawan ng iba. Ayoko lang mawalan ng respeto, it's a pageant pero kahit na pageant ito kailangan kong rumespeto. Nakita ko naman ang katawan niya pero hindi ko ito pinansin at finocus ang sarili sa kaniyang mukha.


"Bakit nga?" Ulit niya pa na tanong sa akin.


Full of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon