OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29

Börja om från början
                                    

"Mandy."

"Muntik ka ng nawala sa akin at idinamay pa nila ang kambal. Paano kong hindi ka nakaligtas, paano kong may masamang nangyari sa anak natin? Baka pati sarili ko ay hindi ko mapatawad kung nawala kayo sa akin."

"Relax. I'm fine now and Xandy too." Kaya ipalagay mo na ang sarili mo. Hindi ko pipigilan kong ano ang balak niyong iparusa sa kanila dahil kung ako ang nasa kalagayan mo ay iyan din ang gagawin ko lalo na at kinanti nila ang mga taong mahal ko."

Napailig ko ang ulo ko ng muling humaplos ang palad niya sa pisngi ko. Nilasap ang init na nagmumula sa mga palad niya.

"Magpahinga ka na muna. You look so tired."

Umiling ako.

"I want to spend more time with you while you are awake. Saka na ako magpapahinga ng maayos."

"Ahemm... Well, mukhang hindi na ako kailangan dito. Pupuntahan ko na lang muna sina papa." Si Frances na nagpaalam na sa amin. "Pagaling ka, bro."

"Yeah! Thank you."

"Thanks again."

Pagtango na lang ang isinagot nito sa amin bago tuluyang umalis hanggang sa tuluyang napag-isa kaming dalawa.

"I love you, my Xaviel." Kumilos ako para muli siyang gawaran ng halik sa labi.

"I love you too."

Magkadikit ang mga nuo namin habang magkasalubong ang mga mata namin.

Naging kumplekado man ang mga nangyari ay nagpapasalamat ako dahil walang masamang nangyari sa kanila. Dahil tulad ng sinabi ko. Lintik lang ang walang ganti sa mga taong nagtangka ng masama sa buhay ng mga taong mahal ko.










"Maawa kayo, ama. Nakikiusap ako. Magbabago na ako. Hindi na ako susunod kay mama." Ang kapatid ko na siya sanang paglilipatan ng trono ni Ama.

Tinipon niya lahat ng kanyang mga asawa't anak. Kasama ako. Hindi na sumama si Xaviel dahil ayaw niyang makialam sa problema ng pamilya namin. Makikibalita na lang daw siya pagkatapos.

"Maawa? Naisip mo ba iyan bago ka pumayag sa gusto ng walang kwenta mong ina?" Ako ang sumagot dito bago binalingan ang mama nito na matalim na nakatingin sa akin.

"Papatayin kita. Papatayin kita." Sigaw naman nito na nagpupumiglas sa pagkakatali nito habang nakaluhod na hawak ng mga kawal sa magkabilang balikat para hindi makawala.

Humakbang ako palapit dito. Sa galit ko ay muli ko itong sinampal ng dalawang beses.

"Ang isang katulad mo ay walang karapatang galangin." Sabi ko sabay ipit ng pisngi nito patingala sa akin. "Pagbabayaran mo ang pagtatangka sa buhay ng anak mo."

"Pweee." Mabilis akong nakaiwas ng dumura ito. Muli ko na naman itong sinampal bago lumayo dito.

Bilang crown prince ng ama kahit na hindi ko iyon tinatanggap ay ako ang naging boses para kay ama.

Binalingan ko ang mga asawa nito at mga kapatid ko sa kanila.

"Kung may balak pa kayong hindi maganda ay huwag niyo ng susubukan. Dahil simula sa araw na ito at inaalis ko na ang mga karapatan niyo sa kahit na anong aspeto." Panimula ko. "Sila ay papatawan ng kamatayan. At kung sino man sa inyo ang gagawa pa ng mga bagay na ikakapanakit ng pamilya ko ay sisiguraduhin kong nakahanda na ang hukay para sa libingan niyo."

Tahimik lamang na nakikinig ang lahat sa mga sinasabi ko. Habang patuloy sa pagwawala ang mag ina at hindi matanggap ang parusang kamatayan para sa kanila.

Pero kahit na anong pagtutol nila ay wala na iyong magagawa dahil kung hindi man iyon sinang ayunan ng lahat ay ako mismo ang papatay sa kanila.

Si Ms. Shika ay kasama din sa nahatulan at walang magagawa ang pagkakaibigan ng aking ama sa ama nito dahil buhay ng asawa ko ang kinanti nila.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Där berättelser lever. Upptäck nu