"Bakit, tatay naman niya ako."

"I know. Nando'n na ako. My point is, kaya ka nandito dahil kay Georgina pero sa nakikita ko parang gusto mong dito na tumira."

"Pwede naman 'yon."

"Ang kapal mo naman. From now on, every Saturday and Sunday lang ang punta mo sa bahay ko. Gets?"

"Opo..."

"Go."

"Ano'ng go?"

"Hindi mo naiintindihan yung 'go'? Alis."

"Fine."

Jack's POV

Lumabas lang ako sa bahay niya at sumakay sa kotse.

Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang kailangang sabihin ni Laurence.

Claire's POV

Nandito na si Laurence.

"Ano ba ang kailangan mong sabihin?"

"Uhm, we are not safe here. May aaminin din ako sa 'yo. I'll understand if you get mad at me."

"Straight to the point, Laurence."

"Miyembro ako ng mga taong naghahanap sa 'yo. 'Yung mga taong pumatay sa lalaking nakita mo, kasamahan ko sila. I'm one of them."

"What?! Are you serious?"

"Listen to me. I tried all my best to left in their group. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa 'yo lahat dahil nanganganib ang mga buhay natin."

"Ano'ng plano mo?"

"I'm sorry pero hindi tayo pwedeng magkasama. Mas delikado kung magkasama tayo. Magpapakalayo-layo ako para hindi ka nila mahanap. Kung maaari umalis na kayo ni Georgina rito."

"Si Georgina, bukas pa ang uwi niya. Hindi ko rin alam kung saan kami pwedeng magtago."

"Sa probinsya. May isa pa akong bahay sa Rizal. Pwede kayo roon." -Jack.

"Akala ko bang umalis ka na?"

"Tingin mo hahayaan kitang kasama mo 'to?" He's pointing out Laurence.

"Narinig mo usapan namin?"

"Lahat."

"I think, si Jack ang makakatulong sa inyo. Claire, I'm very sorry. Aalis na ako. Mag-iingat ka palagi."

Niyakap ko na lang siya bago siya umalis.

What a heavy feeling...

Few moments later...

"Packed up your things."

"Bakit?"

"Wala kang balak umalis dito?"

"Meron."

"Mag-ready ka na dalhin mo mga kailangan mo."

"Pero hindi ko sinabi na sasama ako sa 'yo."

"Kanino mo gustong sumama? Dun sa Laurence na 'yon?"

"Eh ano naman pakielam mo?"

"Iniwan ka nga oh."

"Iniwan mo rin naman ako 'di ba?"

"Claire... I'm proving myself na gusto ko kayong bumalik sa buhay ko."

"You've already proven yourself. Kaya kung pwede, umalis ka na."

"Hindi ako aalis kung hindi kita kasama. Claire, delikado buhay mo pati na si Georgina, pride mo pa rin paiiralin mo?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Kailangan mo."

Binuhat niya ako palabas ng bahay at sinakay ako sa kotse niya.

"Hindi ako sasama sa 'yo!"

Bumaba ako sa kotse at pumasok ulit sa bahay.

Pumasok siya sa kwarto ko at mabilis na kinuha ang maleta at mga damit ko.

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo."

"Tigilan mo na nga 'yan!" Hinila ko ang maleta dahilan para mahulog ito.

"Hindi mo magugustuhan 'pag nag-init ang ulo ko."

Dinampot niya ang mga damit ko at nilagay sa maleta.

"Ayaw ko ngang sumama sa 'yo."

Napatigil siya sa ginagawa niya.

Akala ko ngayong tumayo siya at naglakad sa may pintuan ay aalis na siya pero ni-lock niya ito.

"Edi walang aalis."

"Bakit mo ni-lock ang pintuan?"

Bubuksan ko na sana ng bigla niya akong kinapitan.

"Halika rito."

Kinapitan niya ang mga kamay ko at hinalikan sa labi na halos hindi na ako makahinga.

"Jack, please, tama na! Tumigil ka na!"

"Ginagalit mo ako, magtiis ka ngayon."

Pinunta niya ako sa kama para ituloy ang balak niya.

Mabilis akong tumayo sa gilid ng kama at tumakbo sa may pintuan.

"Tigilan mo na 'to. Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo sa 'kin."

"Kung ito ang paraan para sumama ka sa 'kin, hindi ako magdadalawang isip na ituloy 'to."

"Sasama na ako. Ako na mag-eempake sa gamit ko. Lumabas ka na lang muna."

Puno ng kaba ang dibdib ko. Parang may halong selos ang paghalik niya sa 'kin kanina. (Ganyan kasi siya humalik 'pag nagseselos).









One Word to Forever Where stories live. Discover now