Thirteen

83 5 0
                                    

Claire's POV

Pagdating ko sa restaurant, nakita ko nakatayo lang si Jack sa labas. Kaya kinompronta ko siya.

"Nasaan si Georgina and who told you na pwede mo siyang sunduin anytime you want?"

"Kalmahan mo nga ang sarili mo. Wala akong ginawang mali. Ang akin lang, gusto kong maging safe si Georgina."

"Sigurado ako may pinaplano ka eh."

"Kung ayaw mong sumama sa amin ni Georgina, you may come to Laurence. Hindi kita pipilitin na sumama sa 'kin."

"Ma?! You're here!" Biglang lumabas si Georgina.

"Oh akala ko kumakain ka na?" -Jack

"Nabusog na po ako e. Dami ko na rin po nakain."

"Oh, Claire, ikaw gusto mo bang kumain?" -Jack

"Hindi na. Busog pa ako. Hintayin ko na lang kayo rito sa labas."

"Sige, hintayin niyo ako riyan at magbabayad lang ako."

Pumasok si Jack sa restaurant.

"Okay ka lang ma?"

"Oo naman. Bakit?"

"You look upset kasi."

"Hindi naman.

Few moments later...

He came back carrying foods.

"Nag-take out na rin ako para may makain tayo."

Sumakay na kami sa kotse niya at bumiyahe na.

Hindi ko alam kung saan kami balak dalhin ng kumag na 'to.

Dapat kay Laurence na ako sumama. Kung wala lang si Georgina sa kanya hindi ako sasama.

"You okay, ma? Ang lalim po yata ng iniisip mo?"

"I'm okay. Siguro pagod lang ang isip ko."

"Matulog ka po muna. Sandal ka lang po sa 'kin."

So, I did. Gusto ko rin ipahinga muna ang isip ko dahil sa kaba at takot. Siguro naman safe kami kung saan man kami dadalhin ni Jack.

Jack's POV

Ang saya pala makita na magkakasama kaming tatlo. Sana pala hindi ako naduwag, masaya sana tayo, Claire.

I'll do my best para patawarin mo ako.

Few moments later...

Nandito na kami sa mansion.

Matagal bago ko napundar ang mansion na ito.

Saktong nagising si Claire.

"Wow! Tito, sa'yo po ito?" Namamangha si Georgina sa nakita niya.

"Oo. Bunga 'yan ng pagsusumikap ko. May isa pa akong farm, doon ko pinapatira si Anton."

Pumasok na kami sa mansion.

"Sino si Anton?" -Claire

"Pamangkin ko. Namatay na mga magulang niya kaya ako na 'yung tumayo bilang magulang niya. Nakakaawa naman kasi kung hahayaan ko lang."

"Sana pala lahat kinaawaan mo." -Claire said.

"Ano po 'yon, ma?" -Georgina

"Ang sabi ko ang ganda nitong bahay. Sige, lilibutin ko na muna itong mansion mo."

"Ako rin po tito Jack, pasyal lang ako sa mansion mo hihi."

"Sige lang."

Kung alam niyo lang, para 'yan sa inyong dalawa.

Sinundan ko si Claire. Alam kong sa garden ang punta niya.

Nakita ko siyang kinukunan ng larawan ang mga bulaklak sa garden.

"Sabi ko na dito kita makikita e."

She's still taking pictures of flowers in my garden.

"Bakit mo ba ako sinundan?"

Yung nagtanong siya 'di man lang tumingin sa 'kin. Nakatingin siya sa picture sa camera niya.

"I just want you to know na this mansion is for you and Georgina."

"Jack, alam naman nating dalawa na matagal na tayong tapos. Kaya kung anoman 'yung mga bagay na para kay Georgina, kay Georgina na lang. Huwag mo na akong isali."

"I want to. After all hindi mo deserve yung pain na binigay ko sa 'yo."

"Alam mo naman pa lang hindi ko deserve, bakit mo pinaranas sa 'kin?"

"I'm sorry. Babawi ako, pangako."

"Huwag na. Hindi na kailangan. Masyado ng malalim ang sugat sa puso ko. Wala ka ng magagawa para pahilumin pa ito."

"Alam ko. Pero susubukin ko pa rin na maibalik ang dating tayo."

"Huwag na. Huwag mo ng ibalik kung anoman ang meron tayo noon. Dahil masasaktan mo lang ulit ako."

"May mahal ka na bang iba? O nagmahal ka na ng iba after me?"

"No. Wala na akong ibang taong pinapasok sa buhay ko after you. Para saan pa? Para magulo ulit ang buhay ko? Para mawasak na naman ako?"

"Ibig sabihin wala kang ibang minahal kung hindi ako?"

"Sabihin na nating oo. Pero 'di dahil ikaw lang ang minahal ko kaya ako hindi nag-mahal ulit, dahil sa trauma na magmahal hindi na ako sumubok."

"Eh si Laurence?"

"Bakit naman nasali si Laurence sa usapan?"

"Coz he's existing in your life."

"Dahil tinulungan niya akong makaalis sa Amerika ng ligtas. Ultimo pag-uwi ko sa Pilipinas sinamahan niya pa rin ako to know that I'm safe. Ikaw, tinanong mo man lang ba sa sarili mo kung kamusta kami?"

"Walang araw na hindi ko kayo inisip. Kaya ko nga pinagawa ang mansion na 'to para kapag nahanap ko na kayo rito tayo titira."

"And you think it will happen?"

"Nandito na nga kayo eh."

"Tandaan mo Jack, sumama ako sa 'yo rito dahil sinundo mo si Georgina ng hindi ko alam."

"Iyon lang naman kasi 'yung paraan na alam ko para sumama ka rito. Kesa ro'n sa Laurence ka pa sumama, hindi panatag ang loob ko."

"Baka nagseselos ka lang."

"Ganun na nga."

"Tsss."

She smirked and she left.


One Word to Forever Where stories live. Discover now