Twenty Seven

82 2 3
                                    

Narrator:

Ngayon bibisita si Gino kay Claire.

Si Georgina pumasok na, si Jack naman nasa farm niya. Malamang mamayang gabi pa uwi nito.

Kaya maraming oras pwedeng mag-bonding ang mag-kaibigan.

"Mayaman na pala si Jack. Who would've thought na magiging ganito siya ka successful after all."

"Actually, I can't remember anything from the past. May mga tanong sana ako sa'yo. Ang hirap kasi na wala akong maalala. You're the one that I trust. May alam ka ba sa amin ni Jack?"

"From the past lang ang alam ko. Yung ngayon, wala akong alam sa relasyon niyo. Siguro, mas maganda na tanungin mo mismo si Jack. Lalo na, ayo'ko manghimasok sa kung ano man meron kayo ngayon."

"Hindi ba magkikita sana tayo kaso may nagtangka sa buhay ko?"

"Oo."

"Ano bang alam mo tungkol sa amin? Maayos ba kami? Are we still together? What I mean is... Asawa ko siya?"

"Actually... Hindi ko talaga alam. Siguro si Georgina at si Jack ang makakasagot sa mga tanong. Pero kung ako sa'yo go with the flow ka na lang. Huwag ka masyado mag-isip baka maapektuhan pa 'yang naopera mo. Don't stress out yourself."

"Ang dami lang kasing tanong na gusto ko ng kasagutan."

"Why don't you ask Jack about your past? Baka kasi sabihin niya na sinisira ko kayong dalawa. O kaya hayaan mo na lang ang sarili mo na makaalam sa mga bagay na gusto mong maalala. Huwag mong biglain yung sarili mo na maka-alala. Time goes by... Maaalala mo rin lahat."

"Dun lang sa point na sinasabi nilang mag-asawa kami hindi makumbinse. Like, alam mo 'yon? I don't feel anything about him. If ikaw, sa'yo ako may nararamdaman na kakaiba. Like, I think you're the one I love. Iba eh, iba yung feeling 'pag ikaw yung kasama ko. I feel safe, bakit 'pag kay Jack, wala lang."

"Coz, I never hurt you. I always care for you. Pero siguro, mukhang maayos naman kayo tingnan ni Jack ngayon. Kaya, subukan mo munang mahalin. Sigurado ako matututunan mo rin 'yan. Para na rin sa anak niyo. Matagal ni'yang hinintay 'to."

"Matagal niyang hinintay ang alin?"

"Basta, you'll find out."

"Sa garden tayo? Mas gusto ko ang view doon eh mahangin pa."

"Oh sige."

Maraming dinalang pasalubong at pagkain si Gino para kay Claire.

"Ang dami mo namang dala."

"Para sa'yo lahat 'yan pati na rin kay Georgina."

"Nag-abala ka pa."

"Matagal ko rin hindi nagawa 'yan kaya hayaan mo na ako. Alam ko favourite mo mga 'yan."

"Salamat ah?"

Iba ang ngiti ni Claire sa tuwing kaharap niya si Gino. Para bang kumikinang ang mga mata niya sa saya.

"Wala ka yatang kasama?"

"Meron naman. Mga kasama sa bahay, sina manang."

"No, I mean... Wala yata sina Georgina at Jack?"

"Nag-aral na si Georgina, si Jack naman nandun sa farm niya."

"Alam ba ni Jack na nandito ako?"

"He doesn't have to know. Wala naman tayong ginagawang masama. Besides, you saved me kaya wala siyang dahilan para hindi ka i-welcome rito."

"Ang sa'kin lang baka magselos o kaya mag-away kayo."

"Ako bahala sa kan'ya."

Ginabi na ng uwi si Jack dahil naging busy din siya sa farm.

Pagpark niya sa kotse agad niyang hinanap si Claire kay Manang.

"Si Claire?"

"May bisita, nandoon sila sa garden."

"Kanina pa ba ang bisita niya?"

"Mga ala singko siguro."

"Sige, salamat."

Dumaretso si Jack sa garden para tingnan kung sino ang bisita ni Claire.

"May bisita ka pala."

Nabigla naman si Claire ng biglang nagsalita si Jack.

"Uhm... Oo. Pinapunta ko siya rito. Wala kasi akong ibang makausap at nagpasalamat lang ulit ako sa kanya."

"Sige na. Magpapahinga lang muna ako. Kailangan mo rin magpahinga."

"Actually, I'm about to leave. Claire, I have to go."

"Uh ok. Take care and thank you."

Nauna ng pumasok si Jack sa loob sumunod naman si Claire kay Gino para ihatid sa labas.

"Bakit hinatid mo pa ako rito kaya ko naman na."

"No, I'm sorry dahil naudlot yung kwentuhan natin. May dumating na asungot."

"Haha! Ikaw talaga. Sige na aalis na ako."

"Mag-iingat ka."

Kumaway sila sa isa't-isa at sa pag-alis ni Gino pumasok na sa loob si Claire.

Sa dami ng binigay ni Gino na pagkain at pasalubong kay Claire halos hindi niya na madala ang mga ito kaya tinulungan na siya ni manang na magdala.

Pumasok naman na sa kwarto si Claire para magpahinga.

'Yun nga lang nauna na sa kama si Jack which is hindi komportable si Claire kaya ang ginawa niya, naglatag nilatag niya na lang ang foam para sa sahig mahiga.

"You look enjoyed." -Jack.

"Sakto lang. Masaya ako na dinalaw niya ako."

"Habang wala ako."

"Kailangan ba na nandito ka kapag bibisitahin niya ako?"

"Bakit naman hindi? I should know. Isa pa bakit sa sahig ka hihiga ang lawak nitong kama."

Sa iisang kama na lang sila ngayon humiga. Pero magkatalikuran sila.

"You don't have to know. Dahil ba nakikitira lang kami sa'yo kaya dapat alam mo kung sino ang lumalabas pasok dito, gano'n ba?"

"Huwag mong masamain ang sinasabi ko. Pinoprotektahan lang kita."

"Pero si Gino 'yon. You don't have to worry."

"Hindi naman ako nag-aalala kapag si Gino kasama mo."

"Then, why are you acting like that?"

"Dahil nagseselos ako."

"Kaibigan ko si Gino."

"May magagawa ba ako kung 'yun ang nararamdaman ko? Pagdating ko makikita kong ang sweet ni'yong dalawa? Kung pagselosin din kaya kita?"

"Hindi ko pinapunta rito si Gino para pagselosin ka. I just needed a friend at kung pagseselosin mo man ako it doesn't affect me. Dahil wala naman akong nararamdaman sa'yo. Kaya malamang hindi ako makakaramdam ng selos sa kung sino man patulan mo."

"Ano'ng sinabi mo?"

Bumangon si Jack at pumunta siya sa harapan ni Claire.

Nagulat naman si Claire na napabangon pa si Jack sa kaniyang sinabi.

"Wala, it was nothing."

Kinapitan ni Jack ang dalawang kamay ni Claire.

"If you don't feel anything about me, look into my eyes. Ngayon mo sabihin na wala kang nararamdaman sa'kin."

"Bitawan mo muna ako."

"No. Say it."

"Bitawan mo muna ako."

Hindi na nakapag-timpi si Jack at madiin niyang hinalikan sa labi si Claire.

Niroromansa niya si Claire kahit na nagpupumiglas ito.

"Jack... Huwag, please."

Hinubaran niya na si Claire sa ibaba hanggang sa may nangyari na nga sa kanilang dalawa.












One Word to Forever Where stories live. Discover now