Three

103 3 0
                                    

Claire's POV

Inaayos ko pa ng kaunti ang mga kuha kong pictures para i-print out.

Kausap ko rin sa cellphone si Georgina dahil miss niya na raw ako.

"Ma, sobrang busy mo naman yata ngayon?"

"Hindi naman. Sakto lang."

Medyo busy talaga ako kaya 'di ko na siya halos matingnan sa screen kasi nag-eedit ako.

"I met a new friend, ma."

"Babae, lalake?" Yup! 'Yan ang unang tanong ko lagi kapag sinasabi niyang may new friend siya.

"Boy po."

"What?! 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na huwag kang makikipag-kaibigan sa mga lalaki?"

"Ma, kaibigan lang naman eh."

"I know. Diyan nagsisimula lahat. Trust me."

"I know you had doubt having relationship with boys, pero ma, sana hayaan mo akong magkaroon ng mga kaibigan."

"Hindi naman kita pinagbabawalan makipagkaibigan. Ang akin lang, pipiliin mo mga kakaibiganin mo."

"Yes, ma. I know my limitations and I'm here to study and I'm focusing on that."

"Nice to hear."

"Sige na po ma, matutulog na po ako. Maaga pa po kasi klase ko bukas."

"Okay, sige. Pasensya na anak, ha? Busy lang ngayon si mama."

"Take time to rest and don't forget to eat always. Bye maaa, I love you! Good night."

"Good night... I love you more."

Day after tomorrow...

So, I decided to visit Georgina in her school. Siguro pauwi na rin sila. Dito na ako dumaretso baka makita ko na magkasama sila ng new friend niya.

Lumabas na sila sa gate.

"Georgina!" Lumingon siya at may kasama ngang boy.

"Ma?!"

"Surprise!!!"

Nakita ko na nagulat siya sa pagdating ko. It was really a surprise.

"Buti po nakapunta dito sa school? Wala ka po bang masyadong ginagawa?"

"Wala naman. By the way, sino siya?"

"Ah ma, siya po si Anton Rodriguez, classmate ko po."

"Wala ba siyang bibig? Bat ikaw ang nagsasalita?"

"Ako po si Anton Rodriguez, 24, 4th year college na po." -Anton.

"Who are your parents and where do you live?"

"Ma, daming tanong ah? Dito pa ba tayo magtatanungan sa gate? Sige na, Anton mauna na kami ni mama."

"Sige. Nice to see you po tita."

"You're not my nephew."

"Ma, tama na nga 'yan. Tara na po."

Anton's POV

Grabe naman mama ni Georgina parang mataray.

Sa pag-alis nila 'yun naman ang pagdating ni tito Jack.

"How's your school?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"Okay naman po tito. May bagong kaibigan sobrang ganda at sobrang bait niya. Kaso yung nanay parang may pagkamataray pero maganda rin naman."

One Word to Forever Where stories live. Discover now