Twenty

110 7 0
                                    

Georgina's POV

Nakarating na ako sa bahay kaso wala si mama. Siguro namalengke lang.

Ilang minuto lang akong naghintay, nandito na si mama.

Pagpasok niya ng pintuan...

"Hi, ma." Niyakap ko siya.

"Oh, parang malungkot ka yata?"

"Namiss lang po kita, ma."

"Asusss! Gusto mo labas tayo mamaya?"

"Oo naman po. Basta libre mo hehe."

"Sige. Itatabi ko muna 'tong mga pinamili ko. Tapos ikaw, magpahinga ka muna tas mamaya, kakain tayo sa labas."

"G ako riyan, ma! Pero, may tanong po ako."

"Ano naman 'yon?"

Umupo ako sa couch at sinundan ako.

"Nagde-date na po ba kayo ni Tito Laurence?"

"What? Saan mo naman nakuha 'yang tanong na 'yan?"

She laughed tho.

"It's just a yes or no."

"No. 'Yung mama ni Laurence ang nag-invite sa 'kin at hindi siya. So, I should say that we're not dating. We're friends."

"Eh kung si papa po mag-invite sa akin ng dinner payag ka?"

"Wait,tama ba narinig ko? You consider him as your father?"

"Hindi. Galit pa rin ako sa kanya pati kay Anton. Kahit ano'ng pigil ko sa sarili ko, wala e, galit talaga ang nananaig sa 'kin."

"You have the right to get mad but don't let your anger change you."

"Alam ko naman po 'yon."

"Nagkita ba kayo sa school?"

"Yes. Kahit si Anton nakita kung paano ako nagalit kay Jack."

"Kanina tinawag mo siyang papa bakit ngayon Jack lang?"

"Hindi pa ako handang tawagin siyang papa. Nauumay ako."

"Kahit naman baliktarin natin ang mundo, kahit i-deny mo, siya naman talaga 'yung tatay mo."

"Sige na po, ma. Magpapahinga lang po ako."

"Okay."

Jack's POV

Alam ko na magiging curious si Anton sa mga naganap kahapon.

"Tito, si Georgina po talaga ang anak mo?" He asked me.

Nagpipitas kami ngayon ng iba't-ibang prutas at mga gulay.

"Yes. Unfortunately, maaga niyang nalaman ang totoo. Siguro, time na rin para malaman niya."

"Bakit parang hindi po kayo masaya na alam na ni Georgina na ikaw ang tatay niya?"

"Masaya naman. Malungkot lang dahil syempre galit at hindi ko alam kung kailan niya ako kayang tanggapin."

"Matatapos din po ang problema mo basta harapin mo lang."

"Sige. Nandiyan na 'yung bumibili ng mga prutas kaya maiwan muna kita riyan."

"Sige po, tito."

Few moments later...

Claire's POV

Nandito na kami ni Georgina sa mall. Naghiwalay muna kami at hinayaan ko siyang makapamili ng mga gusto niya habang namimili rin ako ng para sa 'kin.

Georgina's POV

One Word to Forever Where stories live. Discover now