Four

101 4 0
                                    

Claire's POV

So, the client decided to do the event at the hotel restaurant in Quezon City.

"Hello, Sir. Carlos, nandito na ako sa hotel. Confirm ko lang kung dito sa first floor ba yung venue? Parang hindi kasi."

"I forgot to tell you, I'm sorry. Pinalipat ko sa 3rd floor."

"Oh... Okay, I see. Just wait me for a minute. I'm on my way."

Sumakay ako sa elevator para mas mabilis.

Pagbukas ng elevator, aba'y may ligaw na kaluluwang biglang nagpakita.

May nagbabalik from the past.

"Ehem! It's been a long time." -Jack.

I don't feel like comfortable with him tho. Kaya dedma na lang ako kahit mag-usap siya riyan.

Pero dami kong gustong sabihin sa kanya na nasa isip ko. Pero huwag na lang dahil wala naman akong gana at planong makausap siya.

Ilang minuto na lang lalabas na ako sa elevator.

"Claire, please, talk to me. Kahit sabihin mo lang sa'kin kung ano ang pangalan ng anak natin. Lulubayan na kita."

"Anak natin? Kailan ka pa nagkaroon ng interes na alamin ang pangalan niya? Wala kang malalaman tungkol sa kanya okay?"

"Bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala siya."

Nasa loob pa kami ni Jack sa elevator nang bigla itong magloko.

Sinubukan kong buksan pero ayaw.

So, yeah! We're stocked inside. Awit!

"Kung minamalas ka nga naman!"

"Calm down. Makakalabas rin tayo."

"Paano ako kakalma late na ako! Help! Help! Help!"

"Kahit ano'ng sigaw mo riyan walang makakarinig sa'yo. Siguro ito na ang paraan para magkaroon tayo ng closure."

"Ikaw pa talaga may kailangan ng closure eh ikaw na nga 'tong nang iwan."

"It was not my intention. Naguluhan ako and... hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Wala akong ibang naisip gawin kung hindi ang dumistansya sa'yo sa mga panahon na 'yon. I know I was stupid at that time. Sana, mabigyan mo ako ng isang pagkakataon. Kahit sa kahuli-huling pagkakataon na mabibigay mo sa'kin, papatunayan ko ang sarili ko sa inyo."

"No need! You've already proven yourself na duwag ka at wala kang kwenta. I'm already moved on. Masaya kaming dalawa ng anak mo, kaya bumalik ka na sa lugar kung saan ka man nagpunta sa mga oras na naduwag ka."

"Patawarin mo ako, Claire. I'm sorry. Sobrang pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Sana hindi ako naduwag at masaya sana tayo ngayon."

"Alam mo kung ano ang pinagsisisihan ko? 'Yun ay ang nakilala kita. Inakala ko na ikaw na 'yung lalaking makakasama ko habang buhay, 'yun pala, ikaw lang 'yung lalaki na takot sa responsibilidad na maging ama."

Matapos kong bitawan ang mga salitang 'yon, bumukas na ang elevator.

"Finally, Ms. Claire nandito ka na. I'm sorry for what happened. Magkasama pala kayo ni Jack?" -Mr. Carlos.

"I don't know him. Excuse me for a while."

Nagpunta muna ako sa rest room para ikalma ang sarili ko at nag-ayos na rin.

Pagkatapos kong mag-ayos huminga ako ng malalim para marelax at lumabas na sa rest room.

"May I introduce you, Ms. Claire to everyone?" -Mr. Carlos.

"Yeah, sure."

"Everyone? This is Ms. Claire Francisco, she's my favourite freelance photographer 'cause she's always doing what is the best for the image she took."

"Thank you, Mr. Carlos. I'm going to start."

"Okay."

Jack's POV

Akala ko 'di na siya pupunta dahil nakita niya ako.

I still see the pain in her eyes.

Sino ba naman 'di magdaramdam 'don?

Ewan ko lang kung mapatawad pa ako nito. Pero hindi ako susuko.

I take the consequences of my actions.

Busy na siya mag-take ng mga pictures.
I'll try to talk to her pagkatapos ng trabaho niya.

"Ms. Claire, kumain ka 'pag nagugutom ka na." -Mr. Carlos to Claire.

"Ah oo, Mr. Carlos, maya-maya na. Malapit naman din na ako matapos."

"Sige. Doon ka na lang sa table namin para may makausap ka."

"Okay, Mr. Carlos."

Hindi siya kumuha ng pictures sa tapat ko. Iniiwasan na talaga ako.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil matagal na panahon mula nung huli ko siyang nakita.

Claire's POV

Tapos na ako kaya kumuha na ako ng pagkain ko at pumunta sa table nila Mr. Carlos.

"Alam mo Ms. Claire hanga ako sa galing mo kaya ikaw ang naisip ko na papuntahin. By the way, thank you pala dahil you insist to come here kahit sa Makati ka pa nakatira."

"You know... It was a coincidence that I am here at Quezon City yesterday because I visited my daughter in her dorm so I decided na huwag ng umuwi at makakasama ko pa ang anak ko."

"Wow, that's great!"

"Mr. Carlos I have to go. Uuwi pa kasi ako sa Makati and I'll do some editing with your pictures. So, bye and thank you." Bulong ko sa kanya.

"Thank you so much, Ms. Claire. Till next time. Take care!"

Jack's POV

Okay, okay... Tama naman siguro narinig ko na sa Makati siya nakatira. Good thing is... May nabanggit siya tungkol sa anak namin. Babae siya at nandito siya sa QC.

What if sundan ko?

Paglabas ko hindi ko na siya mahagilap kung saan.

Ang bilis naman niya. Mukhang iwas na iwas talaga siya.


One Word to Forever Onde as histórias ganham vida. Descobre agora