Ten

82 3 0
                                    

Claire's POV

Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang lalaking ito.

Nagdadalawang isip ako kung sa hotel na lang o kung sa bahay.

Kasi, kung sa hotel baka mapano siya ro'n wala siyang kasama.

Kung sa bahay naman, baka magkita sila ni Georgina. Hindi malayong mangyari.

Sa hotel na lang kaya? Sige.

Dumaretso kami sa hotel at nagpa-assist ako sa mga stuff ng hotel. Luckily, they helped us in.

Nag-check in na ako para sa kanya.

Pagkatapos, pinaalis ko na sila at sumakay kami sa elevator.

"There you are..." -Jack

"Sa susunod nga huwag kang maglalasing kung hindi mo naman kaya."

"Sino bang may sabing puntahan mo ako? Naabala ka pa tuloy." Lasing na sabi niya.

"Hindi naman talaga kita pupuntahan eh. Nakiusap lang 'yung bouncer na puntahan ka."

"So, wala ka talagang balak na sumipot?"

"I took my time to rest."

Hiniga ko siya sa kama kahit na ang dami niyang sinasabi.

"Dalhin mo ako sa cr susuka ako."

So, dinala ko siya sa cr gaya ng sabi niya.

Binuksan ko ang shower para mahimasmasan siya.

"I'm leaving. Bahala ka na sa sarili mo."

"Iiwanan mo ako ng ganito?"

"Noong ako ang iniwan mo, tinanong ba kita? I don't have any business with you."

Tumalikod ako sa kanya pagharap ko nakatulog na siya.

I think hindi ko siya dapat iwan ng ganyan.

Tinuyo ko ang katawan niya mula taas hanggang ibaba.

Pinalitan ko rin siya ng damit.

Matapos ko gawin ang lahat nag-iwan ako ng letter para sa kanya saka na ako umalis ng hotel at umuwi na sa bahay.

Kinabukasan...

Jack's POV

Medyo masakit ang ulo ko pagkagising ko.

I wonder kung sino ang nagdala sa akin dito.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa table kung nasaan nakalagay ang lamp, may naka-ipit na papel.

"If you cannot take care of yourself when you're drunk, don't go. Just drink inside your home. I'll do it once and never again."

So, I guess kilala ko na 'to. Wala naman ibang gagawa nito kung hindi si Claire.

Honestly, kinilig ako kahit hindi ko maalala mga nangyari.

Nag-effort pa rin siya na puntahan ako at inalagaan pa kahit sandaling oras lang.

Umalis na ako sa hotel dahil wala naman akong balak na magtagal. Dinala ko rin ang sulat ni Claire.

What if... Puntahan ko siya? I already knew where she lives in here (Makati).

Remember the time na nagkita kami at nagalit siya sa akin? I've had the chance to know her address.

One Word to Forever Where stories live. Discover now