Fifteen

66 4 0
                                    

Jack's POV

Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Claire.

Kaya sinubukan kong buksan ang pinto at nabuksan ko nga.

Pumasok ako at nilock ang pintuan at dahan-dahan na lumapit sa kanya.

Ang sarap niyang titigan ngayon ko na lang ulit nagawa 'to.

Sa paggising niya nagulat siya kaya agad na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Jack, ano'ng ginagawa mo rito?! Paano ka nakapasok?"

"Hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako."

"Lumabas ka na. Nag-iisip ka ba? Paano kung makita ka ni Georgina?"

"So, what?"

Nilapitan niya ako at kinapitan ang braso ko.

Binuksan niya ang pinto para palabasin ako.

"Labas na."

"Dito na muna ako."

"Ayaw mong umalis? Edi ako ang aalis."

Sinara ko ulit ang pintuan at kinapitan siya sa baywang niya mapalapit sa akin.

"Sige. Subukan mo ngayong umalis."

"Bitawan mo ako! Ano bang ginagawa mo?!"

Natukso na akong halikan siya sa kanyang malambot na labi.

"I love you and I'll always will." Bulong ko kay Claire.

"Stop!" Then she slapped me.

Dahil sa sampal na 'yon nagising ako sa pagkakahimbing ko.

"What a dream..."

Kahit pala sa panaginip galit si Claire. Pero parang naramdaman ko 'yung halik ko sa kanya.

Bumangon muna ako para kumuha ng tubig sa ref.

Claire's POV

I went to CR kaya kumuha ako ng tubig sa ref at doon na rin uminom.

Pagkasara ko ng ref nakita ko si Jack na nakatayo lang malapit sa ref kaya nagulat ako.

"Ano ka ba naman? Bakit ka nakatayo lang diyan?"

"You look so scared. Relax ka lang, okay? Kukuha lang ako ng tubig."

"Sige."

Inubos ko lang ang tubig sa baso ko pagkatapos nagsalita ulit si Jack.

"Bakit kausap mo si Laurence kanina? I mean... Papa'no siya nakapasok ng hindi ko nalalaman."

"Sinabi ko kay manong guard na papasukin siya pagdating niya. Pinakuha ko lang ang mga gamit ko kaya siya nagpunta rito. Don't worry agad din siyang umalis. Gusto ko pa sana siyang makausap kaso aalis na talaga siya."

"Bakit mo naman siya gustong makausap? Nandito naman ako."

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap."

"Hindi ka pa rin dapat nagpapasok ng kung sino sa mansion. Alam mo ng delikado."

"Hindi lang kung sino si Laurence. Siya 'yung tumulong at nagligtas sa 'kin kaya I owe him a lot."

"Pero dapat sinabi mo pa rin sa 'kin na pinapunta mo siya rito."

"Kung sinabi ko edi mas higit pa riyan ang magiging reaksyon mo. Isa pa, hindi mo naman kailangan malaman."

"Kailangan! Dahil dapat alam ko kung sino ang mga lumalabas at pumapasok sa bahay ko."

"Edi sorry! Kasalanan ko na. Okay na? Sama ng reaksyon mo. Grabe ka!"

Kapal ng mukha. Ba't ganyan reaksyon niya?

"Dahil pinagseselos mo ako."

"Pinagseselos? Bakit ka magseselos? Matagal na tayong tapos. Matulog ka na baka nananaginip ka lang ng gising."

Bigla niya akong hinawakan sa dalawa kong braso at hinalikan.

"Mahal na mahal pa rin kita, Claire. Bumalik ka na sa 'kin, please..."

Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya sinampal ko na siya.

"If you cannot respect me as a woman, respect me as the mother of your daughter!"

"I'm sorry."

"Puro ka na lang sorry! Nakakapagod."

Bumalik na ako sa kwarto dahil nag-iinit na ang ulo ko sa kanyan.

In the morning...

Nagpasama ako sa driver na lumabas. Papahingin lang at gusto makalanghap ng sariwang hangin ng wala sa mansion ni Jack. Magpapalamig na rin ng ulo.

Jack's POV

"Georgina, nakita mo ba mommy mo?"

"Hindi pa po, bakit?"

"Ah wala naman."

"Ok. Pasok na po ako sa kwarto, mag-aaral na."

I nodded.

Nag-try ako na magtanong kay Manang na nasa kusina.

"Manang, si Claire napansin mo ba? Hindi ko siya mahanap."

"Bakit mo hinahanap?"

"Basta."

"Lumabas siya, nagpasama sa driver. Siguro, magpapalamig ng ulo. Ikaw naman kasi bakit hindi mo pigilan ang sarili mo."

"What do you mean?"

"Nagkasagutan kayo kagabi ni Claire at nakita kong binastos mo siya. Alam mo, imbes na dagdagan mo 'yung atraso mo sa kanya, bakit hindi ka gumawa ng paraan para bumalik yung tiwala niya sa 'yo?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Ewan ko ba sa 'yo bakit mo naisipan iwan ang mag-ina mo. Kung hindi mo ginawa 'yon edi masaya sana kayo ngayon. Pero bilib ako rito kay Claire, na kahit wala ka nagawa niya pa rin itaguyod si Georgina. Alam mo, bumawi ka sa kanila, kunin mo ang loob at pagtitiwala nila."

"Hanapin ko muna si Claire."

"Sige..."

Lumabas ako sa mansion para hanapin si Claire gamit ang kotse ko.

Sakto mukhang si Claire na nga 'tong bumaba sa kotse.

Bumaba ako sa kotse at nilapitan ko siya.

"Claire, saan ka ba galing?"

"Lahat na lang ba ng ginagawa ko itatanong mo?"

"Hey, alam ko galit ka sa 'kin. I'm sorry kung naging miserable ang buhay mo ng dahil sa iniwan kita. Please, give me a second chance to prove myself."

"There's no second chance. You'll pay for what you've done. It will happen because I'm going to make it happen. Believe me."

Pumasok na siya sa mansion ng mainit ang ulo.

"Nasaan si Georgina?"

"Claire, huminahon ka. Baka dahil sa init ng ulo mo makahalata si Georgina. Gusto mo bang malaman niya na ako nag tatay niya? Sige, ako na mismo ang magsasabi."

"Shut up!"

"Hayaan mo na munang lumamig ang ulo niya." -Manang.

Claire's POV

I'm really upset. Seriously.

Sigh...

Para gumaan ang loob ko kinuha ko ang camera ko at nagpunta sa garden to take some pictures.

One Word to Forever Where stories live. Discover now