Ang pinagtataka ko ngayong oras ay bakit sa hospital mismo siya nagpatakbo, samantalang may clinic naman sa school namin, kung sa bagay kailangan ata sa doctor na siya mismo itakbo kesa sa nurse sa school namin. Mabuti nalang at pinayagan kaming makalabas, napaka-emergency nito kung hindi kami pinayagan ay ewan ko nalang talaga.


Halos hindi ako makakalma katulad nila Killian at Jeremiah na palakad-lakad, hindi kami makaupo dahil na rin sa kaba na naidudulot nito sa amin. Kagat kagat ko na ang mga kuko ko at bumibilis na rin ang tibok ng aking puso.


Lumipas ang higit na twenty to thirty minutes ay lumabas na rin ang isang doctor. Agad kaming pinuntahan nito at kinausap.


"What happened to to the patient?" Ayun agad ang unang tanong niya sa amin, pero di'ba dapat kami ang magtanong noon? Binalewala ko nalang ang naisip ko.


"Bigla nalang po siya nahilo, sumakit ang kaniyang ulo at nahimatay." Sagot ko sakanya at binunggo naman ni Jeremiah ang balikat ko, yung mga tingin niya ay parang may mali akong sinabi, tama naman sinabi ko ganun ang totoong nangyari.


"Okay, family members?" Tanong niya sa amin at hindi kami maka-react tatlo, kailangan pa ba talaga 'yon?


"Po?" Ulit kong tanong dahil hindi ko naiintindihan bakit kailangan ang family members, kung sabihin nalang kaya ng doctor na ito, kung ano ang dahilan.


"Ka-ano ano niya ba kayo?" Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa tanong sa amin.


"Kaibigan po." Deretsong sagot ko nalang dito, hindi naman maniniwala ang doctor kapag sinabi kong kuya niya kami.


"Kailangan kong makausap ang mga magulang niya." She said that makes me bit my lip.


"Bakit po?" May hindi ba sila matukoy kaya hindi alam ni doktora ang sasabihin sa amin?


"Hindi ko matukoy ang kalagayan niya, may nangyari ba sakanya in the past?" Past... Past... Past...


Anong ibig niyang sabihin na past?


"Hindi po namin alam." Umiling ako.


"Kaya kailangan ko talaga makausap ang mga magulang niya, para malaman ko ang nangyayari bakit sumasakit ang ulo niya."


She explained it to us. At that time, inisip ko nang inisip kung ganon ba kalala ang pangyayari at ang laking impact nito kay Kash.


"Sige po doc, tatawagan namin ang mga kaibigan niya." Ayun nalang ang tanging nasabi ko sa mga oras na 'yon, sila Killian na hindi rin alam ang gagawin nagkibit balikat nalang ako sa mga ito.


Pagkasabi ko noon ay tinanguan nalang ako ng doctor at umalis, iniwan si Kash sa loob, napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa pangyayari, hindi ako makampante, ang dami nanaman mga tanong ang pumapasok sa utak ko dahil doon! Wala naman nasabi ang mga kaibigan niya about sa health ni Kash, si Amara wala naman nabanggit na may sakit ito kaya imposible ang naiisip ko.

Full of SecretsWhere stories live. Discover now