EPILOGUE

43 2 0
                                    

LAST CHAPTER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAST CHAPTER

Mine

"Thank you, Lord, magkaka-jowa na din sa wakas!"

"Makakakita na din ako ng chixs!"

"May makikilala na akong bago, sa wakas!"

From reading the books related to business, I glanced at my friends who are happily exclaiming those words. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nila. Siguro dahil ga-graduate na din ako ng elementary kaya inaasar nila ang iba sa amin.

Well, that's unbelievable. Their reasons for enrolling in high school is something you expect from them but not realizing, they will really do that.

"Nagpa-early registration ka na?" tanong sa akin ng malapit kong kaibigan, si Justin.

Umiling ako, binalik ang mata sa binabasa. "Hindi pa."

"Simula na nang early registration, ah? Magpalista ka na," dagdag pa nito.

Nag-isip ako. We still have a month before our graduation. As of today, we are starting to prepare by practicing. Hindi na kami ganung busy pero ang iba sa amin, nagiging abala para sa pagpa-enroll ng high school.

"Bukas na lang siguro, pupunta na lang ako. Malapit lang din naman 'yon."

And just like what I said, it was early in the morning when I decided to prepare myself and go to school. Ang dala ko lang ay isang itim na ballpen at pera, wala nang iba.

I thought that there were only a few inside but I was all wrong. Sa labas pa lang, marami na ang naghihintay. Ang sabi, wala pa daw ang teacher na naka-assign.

"May mga upuan sa labas, pwede dun ka na lang muna umupo habang naghihintay."

Isang tango ang sinagot ko sa sinabi ng guard. And since I don't have someone to talk to, I just decided to get my phone and play some games.

Nasa ganung ayos lang ako hanggang sa dumating ang isang grupo. Kahit malayo, rinig na rinig ko ang ingay nila kaya napakunot ang noo ko.

Woah, what kind of mouth did they have to be that noisy?

"Putek, hindi ko nga kasi crush 'yon, parang ano."

My forehead creased even more. It was the voice of a woman. Nag-angat ako ng tingin at saktong isang pares ng mata ang agad na bumungad sa akin. I was a bit taken by it but when she looked away, I immediately calmed down.

"May sinasabi ba kami? Wala naman, ah." Tumawa ang lalaki, kumunot ang noo ko.

"Masyadong defensive 'tong si Jasmin, eh. 'Wag kang mag-alala, alam naming lalaki ka."

And they laughed again. Nagsalubong ang kilay ko. Wearing an oversized blue t-shirt, black jeans partnered with her slippers, the girl they called Jasmin looked so boyish. Idagdag mo pa ang paraan ng pagsalubong ng makakapal niyang kilay. Her lips pouting a bit while glaring at the guys, and with her hair being tied up messily, she really looks like a gangster. Lalo na ngayon at mga lalaki ang kasama niya.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now