XXIV

24 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Sorry

"Ano, 'di pa rin ba kayo okay?"

Hindi ko alam kung pang ilang beses na ba iyon na tanong ni Peter. Nasa canteen kami, kumakain ng lunch.

Binalingan ko siya. I took a deep breath and shook my head.

Mahigit isang linggo na rin mula nung nagkausap kami. Bumalik na ang klase pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin.

Well, I can't blame him. May pinaghuhugutan naman siya kaya hindi mali iyon. Ito na rin yata ang pinakamahaba na naging away namin.

Gusto kong makipag-ayos kasi nahihirapan ako kapag nasa ganito kaming sitwasyon pero wala akong maisip na paraan.

Wala nga ba? I don't really know. Tine-text ko siya pero wala siyang reply. Tinatawagan ko din pero hindi naman niya sinasagot. Parang, ginagawa niya sa akin ang ginawa ko noon sa kaniya. Ngayon, ramdam ko ang naging pakiramdam niya noon. Ang hirap pala talaga.

"Makipag-ayos ka na kasi. Ako ang nahihirapan sa inyo, eh," dagdag pa ni Peter habang nakakunot ang noo.

Bumuga ako ng hangin. "Pa'no? Sige nga."

He scoffed. "Wala ka naman kasing ginagawa, eh. Nakaupo ka lang dito, naghihintay sa kaniya. Alangan naman tumalab 'yan sa pa-text at tawag mo."

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ako ma-pride, Peter. Wala lang akong maisip na paraan."

He scoffed again. "Ewan ko sa 'yo. Eh, siya ngang galit,Qa palagi ka pa ring pinapadalhan ng pagkain. Tapos ikaw, ewan ko na lang. Tapos para ka pang palaging pagod."

Natahimik ako sa sinabi niya. I looked away because I was guilty. He was right. Na kahit galit ang lalaki, hindi pa rin nito nakakalimutan ang nakasanayan niyang gawin.

Every morning, he would still wait for me, outside the gate. Na kahit palagi niya akong pinapauna sa paglalakad, nasa likod ko siya, nakasabay para ihatid ako sa classroom. After that, he would give me the lunch that he cooked. Sa uwian naman, sabay pa rin kami pero nasa likod lang siya ng tricycle, hindi sa tabi ko. Kung sa jeep naman, may isang pagitan sa amin.

It's painful to see but I can't do anything. Sinubukan ko isang beses na tawagin siya pero hindi ko alam kung narinig niya ba ako o wala, pero hindi niya ako pinansin. Pagkahatid niya sa akin sa apartment nangyari 'yon. Nung gabi kahit gustuhin ko man siyang tawagan, wala akong oras kasi may trabaho ako.

Nitong huling araw din, palagi akong napapagalitan kasi distracted ako. Nawawala sa oras sa oras ng trabaho. I tried not to think of it but it's just so hard. This is new to me. For more than six years of our relationship, this is the first time we had this big argument.

"Jasmin, kung ako sa 'yo, galaw galaw din. Suyuin mo 'yon. Bahala ka diyan."

Iyon ang huling sabi ni Peter bago ako iwan dahil may kailangan siyang puntahan.

Buong maghapon, 'yon lang ang nasa isip ko. Hindi ako halos makapag-focus kaya hindi na ako nagtaka kung bakit napatawag ako sa opisina ng isa kong professor.

"Ms. Basibas, what's wrong with you? You seem distracted these past few days. Ngayon din ang pasahan ng plates niyo pero hindi ka makakapagpasa. Ano 'to? Nakakalimutan mo na bang estudyante ka?"

Napayuko ako, hiyang-hiya. Oo nga pala, may kailangan akong ipasa pero hindi ko man lang iyon nasimulan.

"Sorry po, Ma'am."

She sighed. "What will I do with your sorry? Tell me."

Nag-iwas ako ng tingin nung makita kung gaano kadismayado ang mukha niya.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now