XIV

16 3 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER FOURTEEN

Official

Naging usap-usapan sa buong grade level namin ang pangyayaring iyon. They are teasing us about it and keep on saying that Henrick and I are together! Hindi ko naman sila maitama kasi hindi sila naniniwala. Para kasing may mas alam pa sila kesa sa akin.

Naging malala pa nung nakita nila kaming magkasama ng lalaki, umagang-umaga.

"Ayos ka lang?" tanong niya bigla habang naglalakad kami.

Kita mo 'to, parang hindi tumawag kagabi para magtanong tungkol kay Marco eh. Hindi ko naman masabi sa kaniya kung ano ko ba talaga si Marco kasi bago ko pa masabi, binabaan na ako.

Tiningnan ko siya kasi ayaw kong tingnan ang mga matang nakatitig sa amin.

"Oo," sagot ko sabay tango.

It was our examination day. As usual, dumating akong nasa gate siya at hinintay ako. Marami ang napapatingin sa amin kaya hindi ko maiawasang mahiya.

Henrick is quite popular because of his family's name. Hindi mapagkakailang may kaya ang lalaki. Simple lang siya kumilos at manamit pero ang totoo, mayaman talaga ang pamilya nila.

"Don't mind them," he said.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kalaunan ay nag-iwas din nang makitang nasa akin na ang mata niya.

Bumuga ako ng malalim na hininga. "Pero. . . hindi ko gusto ang atensyon na binibigay nila."

It is the moment I felt him stilled and froze. Nagtaka ako kaya binalingan ko siya.

"Bakit—"

I stopped when I saw how disappointment pass through his eyes. He's very visible that's why I can easily read his him.

Nakita niya sigurong nakatitig ako sa kaniya kaya nag-iwas siya ng tingin.

He cleared his throat. Wala sa sariling tumatango.

"Well, okay. . . sorry for that."

Nagtama ang mata namin. He genuinely smiled at me.

"Goodluck sa exam mo today, kaya mo 'yan," sabi niya pagkatapos guluhin ang buhok ko.

That was his last words before he left me there. I was left dumbfounded but I only shook that thought off.

Pumasok ako sa room at saktong nakasunod sa akin ang teacher namin para sa unang subject. The examination started after she gave instructions on what to do.

After two subjects, it was our recess.

"Min, recess na tayo. Kailangan ng utak ko ng pagkain. Baka 'di 'to umabot ng hapo," aya ng isa kong kaklase.

Natawa ako sa sinabi niya. "Sige, mamaya pa ako."

"Oh, sige."

Tumingin ako sa labas ng bintana. I waited for Henrick to come just like the usual thing he does. But to my disappointment, he didn't. Nakita ko na lang siyang kasama ang isang babaeng kaklase na mula na sa canteen, may dala nang pagkain. She was a transferee, I didn't know they were close.

To Forget (Destined Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon