XII

17 3 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER TWELVE

In my whole entire life, I never felt guilty for something I just did.

Katulad ngayon, habang nagmamadaling lumabas ng bahay, ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso. For no exact reason, I'm nervous.

Nandito pa kaya siya? Ang tanging tanong ko sa isip habang nililinga-linga ang paligid. Sa pag-aakalang hindi pa masyadong nakakalayo ang lalaki, tumakbo ako sa kalsada, hinahabol siya.

I'm holding my phone in my right hand while running. Hindi masyadong mabilis pero sapat na para sabihing may hinahabol ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo. Pinagpapawisan na ako at naghahabol na rin ng hininga. Malayo na ako sa bahay kaya tumigil na ako sa pagtakbo. Isang beses ko pang nilingon ang paligid. Bumuga ako ng hangin at sumusukong nilakad ang pabalik sa bahay.

To: Henrick Yu

Nasan ka? Hindi kita nakita.

Nasa malapit na ako sa bahay nung si-nend ko iyon. A minute had past but there's no reply from him.

“Uy, Min, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” tanong ni Manang Ida, ang may-ari ng tindahan sa malapit lang sa bahay namin.

Nilingon ko siya bago naisipang umupo. Ngumiti ako at umiling. “Maya-maya lang po.”

Hindi na siya nagtanong pa ulit kaya napabaling ang atensyon ko sa cellphone nung nag-vibrate iyon. A reply from Henrick.

From: Henrick Yu

Nandito na ako sa ’min. Nakauwi na.

Nakahinga ako ng maluwag sa nabasang reply. But still, I felt that there's still something wrong that is hard to explain.

To: Henrick Yu

Sana sinabi mo sa ’kin an pupunta ka.

From: Henrick Yu

Nag-chat ako pero hindi ka nag-reply hahaha. Pero ayos lang. Wala na sa ’kin ’yon.

His reply made me heaved a long and deep sigh. Kinagat-kagat ko ang daliri at pinag-isipan ang i-re-reply.

To: Henrick Yu

Sorry, hindi ko napansin. Don't worry, I'm all good.

After that, hindi na ako nakatanggap pa nang reply. Pinagsawalang bahala ko iyon at umuwi na lang sa bahay.

I think, rest would be enough to clear up my mind. And I was right. 

Pagkagising sa umaga, isang malalim na boses na agad ang bumungad sa akin. Sa sobrang pamilyar ko dun, halos mapairap na lang ako sa hangin.

Pambihira, alam ba ng lalaking ’to kung anong oras pa lang? Kasi langya, sa totoo lang, halos alas kwatro pa lang ng umaga! Kulang pa ako sa tulog pero heto, binubulabog na agad ako.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now