I

61 6 0
                                    

CHAPTER ONE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER ONE

Sapol

"Langya! 'Wag kang pumasok diyan! Nandiyan si Granny!"

"Putek! Dahan-dahan ka diyan. Nandiyan 'yong may putol ang ulo."

"'Yan, 'yan! Pasok ka diyan! May susi diyan!"

Sigaw ng sigaw ang mga kaklase ko. Nasa isang sulok sila habang nakakumpol sa harap ni Caloy na may hawak na cellphone. Dahil hindi pa uso ang cellphone sa room at si Caloy ang kauna-unahang nagkaroon, kaya ayan, atat na atat lahat. Kasama na ako dun. Umalis nga lang ako dahil nakakaamoy na ako ng hindi kaaya-ayang amoy dun. Si Basi rin, ganun pero tumakbo pabalik para makita ang nilalaro nila.

Dahil na-engganyo ulit ako, naglakad ako papalapit sa kanila. Walang nakapansin sa akin dahil na rin nasa cellphone ang mga mata nila.

Kumuha ako ng upuan at pumuwesto sa likod. Tumayo ako mismo dun pero napasimangot rin dahil hindi ko pa rin nakikita. Natatakpan 'yon ng mga ulo.

Sumusukong tumalon ako. Hindi ko binalik iyong silya dahil may pumalit din sa akin. Pumunta na lang ako sa pwesto ko. Tiningnan ko sila at hindi ko maiwasang matawa dahil sa nakikita kong reaksiyon nila.

Si Caloy na may hawak ng cellphone nakangiwi na at halos hindi na maipinta ang mukha. Pansin ko din ang panginginig ng kamay niya habang mabilis ang galaw. Parang hirap na hirap at balisa pa ang mukha. Pero mas natawa ako sa mga reaksiyon ng mga kaklase ko. Parang mas nahihirapan pa sila kaysa sa may hawak, eh. Nakakunot ang noo, nakaawang ang mga labi, napapamura pa kung minsan. Sumasabay pa si Basi na tumitili kasama ang ibang babae.

Lilihis na sana ako ng tingin nang napatigil dahil sa sabay-sabay nilang pagsigaw. Tumili silang lahat kasama na ang may hawak nung cellphone. Nagtaka ako kung bakit pero sa huli, napaawang ang labi ko sa sobrang gulat.

Ang cellphone, nasa sahig. At ang mas malala, basag ang salamin dahil nabitawan.

"Carlo naman kasi, eh. Sabi nang 'wag pumasok dun. Nandun si Granny. Ayan, napalo ka tuloy."

Hindi ko na napigilan ang tumawa. Parang lantang gulay na nagsialisan ang mga kaklase ko mula sa kumpulan. Kaniya-kaniyang pwesto ulit sila.

Hindi ko talaga kung ano ang nilaro nila. Basta ang alam ko may character na Granny dun na may dalang pamalo. At sa oras na makita ko, edi patay na. Para kasing nasa bahay ka nung Granny. Tapos 'yong kailangan mong gawin para makalabas ay hanapin lahat ng susi sa loob ng bahay nang hindi nakikita nung Granny. Kailangan talaga maingat kasi kunting tunog lang, bigla iyong susulpot sa harap mo sa papaluin ka. Iyon kasi ang nakakagulat sa laro. Iyong pabigla-biglang pagsulpot ni Granny na kung minsan hindi mo alam pero nasa likod mo pala.

"Basi, kain na tayo."

Bumalik si Basi na parang walang nangyari, katulad ng iba. Naglakad papunta sa upuan niya at kinuha ang bag.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now