XXIX

18 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Broke

"Kain tayo?"

Sa sinabi ko, parehong napatingin sina Trixie at Henrick sa akin. They are sitting in the living area. Kita ko sila dahil hindi naman ganung kalaki ang apartment, kadikit lang din ang kusina.

I smiled at them. Tapos na akong lutuin lahat ng binili ko. I think, it's a good thing that they are here. We'll celebrate!

Trixie made her way to our table. Nginitian ko siya pero seryuso lang ang mukha niya.

"Rick?" I called him. He looked up and when our eyes met, he immediately looked away.

Halata pa rin sa mata niya ang pag-iyak. Hindi ko alam pero pagkatapos niyang mag-sorry kanina, niyakap niyakap niya ako ng mahigpit, sobrang higpit. I cried with him because it was just too painful. Hindi ko alam kung ano na Ang mangyayari pagkatapos nito at takot na takot akong alamin kasi alam ko na, alam ko na kung saan ito patungo. But, I just can't. Not now. . . not anytime soon.

Nagsimulang maglakad ang lalaki papalit sa mesa. Umupo ito sa pwesto niya. Ngumiti ako tsaka tumalikod para kumuha ng isa pang upuan. Mabuti na lang at bilugan ang lamesa kaya ayos lang na magdagdag ng upuan. Nasa pwesto ko kasi si Trixie, eh, ayoko naman na itaboy siya dun.

Maingat akong naglakad pabalik. I saw Henrick attempt to stand to help me but Trixie glared at him. Nag-iwas ako ng tingin.

Pagkaupo ko, tahimik pa rin ang hapag, katulad nung nakaraan. Ang kaibahan lang, hindi lang kaming dalawa ang nandito. May kasama kami.

Our set-up today, I'm not comfortable with it. Para kasing ang dating, ako ang sabit dito. Pakiramdam ko, parang ako ang sumiksik dito, dumagdag sa kanila.

I silently let out a long sigh and myself to smile.

"Let's eat?" I asked enthusiastically.

Mahina lang na tumango ang dalawa. Trixie started getting food. Nagulat pa ako nung hindi ang pinggan niya ang inuna.

Henrick unconsciously looked at me. I gave him a small smile and slightly nodded my head.

Napalunok ako. Hinintay kong matapos si Trixie sa ginagawa tsaka ako naman ang kumuha ng pagkain.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. No one dared to talk until we were all done. Tumayo pa ako at kinuha ang take out na cake para buksan.

"Cake?" I offered them with a smile.

Balak ko sanang ibigay ang na-slice sa pinggan ni Trixie nung kinumpas niya ang kamay.

Trixie shook her head. "No, I'm not into sweets."

I was a bit shocked by that. Pero kahit na ganun ngumiti pa rin ako. Nilingon ko naman ang lalaki at balak na sanang lagyan ang pinggan niya nung pinigilan niya ako.

My forehead creased. She shook her head again.

"He's not allowed to eat sweets," she stated.

I was left dumbfounded. Hindi ko alam kung paano aakto kung ganito niya i-reject ang pagkain balak kong ibigay. I glanced at Henrick, hoping that he would not agree when he just looked away.

Dun, napahinga ako ng malalim, umayos ng tayo tsaka tumango.

"Oh, okay. . ."

Mag-isa kong kinain ang cake. Hindi ko naubos iyon kaya binalik ko sa box. Nagsimula akong magligpit. Henrick was silently helping me that's why, I looked at him and shook my head, stopping him.

"Ako na ang bahala dito, kaya ko naman na. Dun ka na kay Trixie."

Umiling siya. Tahimik lang na pinagpatuloy ang ginagawa.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now