VII

18 5 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

CHAPTER SEVEN

Nakakahiya

Relationship

Ano kaya 'yon?

Sabi nila ito daw iyong relasyon sa pagitan ng dalawang tao. Romantic relationship between a boy and a girl.

Ito iyong makikita mo sa nf sa Facebook. May post si girl na 'I'm lucky to have you' tapos i-ta-tag niya si boy. Iyong mas matindi, palutin pa ng caption.

May nabasa nga ako. Ang haba! Grabe! Natalo dun ang essay ko para sa English.

Hindi ko nga alam kung ano bang dapat na maging reaksiyon ko dun. Kung ngingiti, iiyak, kikiligin, tatawa, or worse, masuka. Wala lang. Feeling ko kasi bawal tumawa. Hindi rin naman nakakakilig kaya wala ring ngiti. Susuka na sana ako dun pero wala e, na-cancel kaya 'wag na lang din.

. . . Hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka.

Isa pa iyan sa nabasa ko sa caption. Halos lumuwa ang mata ko dun. Like? Pambihira. Seryuso kayo? Ba't hindi mo kayang mabuhay kung mawala siya? Connected ba ang mga pusod niyo na kung mawawala siya may chance na mawala ka rin? Iisa lang pa kayo ng hininga? Jusko. Kinaya mong mabuhay ng ilang taon na wala 'yan tapos isang buwang relasyon kapag nawala hindi na kaya? Aba, matindi.

Ini-stalk ko ang nag-shared nun. Ibang klase iyong bio niya. 'James Malas property' with matching padlock sa side. Sa baba, may 'IKAW LANG SAPAT NA'. Maraming emoji at heart pa! Pambihira.

Anong property property 'to?! Lupa ka ba, gurl? May pa-I love you mwuaa mwuaa tsup tsup pang nalalaman. Ewan ko na lang.

Hindi ko alam na nakangiwi na pala ako habang ginagawa ang pag-iimbestiga. At mas nagulat ako sa nakita. Pambihira! Para akong nakakita ng krimin dahil sa pagluwa ng mata ko.

Napakurap ako. Mas tinutukan ang nakitang impormasyon. Seryuso 'to?! Ten years old?! May pa 'James Malas property' na?! Parang hindi kayang i-digest ng braincells ko ang nalaman kaya wala sa oras akong napa-log out.

Pipindutin ko na sana iyong 'Yes' kung hindi lang tumunog ang cellphone ko. Sa messenger kasabay nang pagpakita nung bilog. At isang pangungulit na naman ang natanggap ko.

Napabuga ako ng sobrang lalim na hininga. Ang balak sanang pag-log out ay hindi na natuloy. Hindi ko na din pinindot iyong bilog. Tinapon ko na lang siya dun sa may 'x'. Dito ko na lang titingnan sa may lite. May mabilis.

From: Henrick Yu

Nasa inyo ka ba? Hahaha

Kumunot ang noo ko. Tawang-tawa, eh?

To Forget (Destined Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu