XVIII

17 5 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Relationship

September 9, a year after he announced that we're together, we're now celebrating our first anniversary as a couple.

Gabi, katatapos lang naming kumain sa bahay nung inaya niya akong lumabas.

Peace of silence coated us. Pareho lang kaming nakatingin sa langit. Humahanga sa kagandahan ng buwan at tala.

The silence wasn't awkward at all. Parang ang gaan lang na kahit hindi kami nag-uusap, nagkakaintindihan kami. Na kahit wala ni isang salita ang namutawi sa amin, ayos lang. Nandiyan naman siya. Ramdam mo naman ang presensya niya.

I slowly sighed. Humampas ang malamig na hangin. Humigpit ang yakap ko sa jacket na sinuot niya sa akin. It was a normal gesture from him but the effect on me was incredible. It was different.

"Nilalamig ka na?" biglaan niyang tanong. Nag-alala ang mukha.

Napangiti ako dun.

I simply shook my head and gave him a smile. "Hindi naman masyado. May jacket naman ako. Ikaw? Hindi ka ba nilalamig?"

Humugot siya ng malalim na hininga saka inangat ang kamay. He then gently caress my messy bun hair.

"Hindi naman masyado. Sanay na."

Umismid ako. "Sana all kasi may aircon."

Bahagya siyang natawa at napailing rin sa huli. Binalot ulit kami ng katahimikan.

The stars and moon are shining on their own. They are giving light to our dark night. Pinaparamdam na hindi tayo nag-iisa. Na kahit sa kadiliman kaya nating lumiwanag. Katulad nila.

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa. Eleven forty-five na pala. Masyado nang malalim ang gabi.

"Jasmin. . ."

Napalingon ako kay Henrick nung tinawag niya ang pangalan ko. Akala ko nakatingin siya pero hindi pala. I tried keeping my disappointed look on that. Hindi naman ako mababaw. Ginaya ko na lang din siya. Balik tingin ulit ako sa kumikinang na langit.

"Hmm. . ." I hummed.

He heaved a sigh and started playing with his own fingers. May gusto siyang sabihin pero mukhang nahihiya. Pasekreto akong natawa dun. Hindi pa rin nagbabago.

Tumikhim siya. "T-talaga bang. . . gwapo 'yong Deb Lor na sinasabi ni Rowilyn?" Rinig na rinig ang inis sa boses niya.

Nanlalaki ang matang napalingon ako sa kaniya. Nakayuko na siya ngayon at parang nahihiya.

Deb Lor? Si Sensui ba ang tinutukoy niya? Pano naman nadamay iyon sa usapan namin?

"Si Sensui ba?" nagtataka kong tanong.

Bigla siyang bumaling sa akin at nagmamaktol ang tingin. "Hindi ko alam at wala akong pakialam sa lalaki na 'yon."

Ngumiwi ako. "Eh, ba't mo tinatanong sa 'kin? Wala ka naman palang pakialam."

Nag-iwas siya ng tingin at pasimpleng ngumuso. May binulong bulong pa siya sa sarili pero hindi ko na rinig.

"Wala lang," sabi niya makalipas ang ilang minutong pananahimik. "Sabi kasi ni Rowilyn gwapo daw tapos sumang-ayon ka naman."

"Ba't mo naman kasi natanong. Selos ka?" pang-aasar ko na akala ko hindi niya kakagatin pero nagulat na lang ako nung umirap siya at umismid.

"Ako? Magseselos? Bakit naman ako nagseselos? Wala namang kaselos-selos sa Deb Lor na 'yon. Panigurado namang hindi 'yon gwapo, e. Isa pa crush mo lang naman siya ako naman ang boyfriend mo, kaya bakit ako magseselos? Umismid ulit siya. "Pero bawal pa rin ang crush. Hindi pwede na crush mo siya. Dapat ako lang. Dapat nag-iisa lang ako kasi ako naman ang boyfriend mo. Pero hindi talaga ako nagseselos. Wala akong pake du-"

To Forget (Destined Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن