Chapter 1: *So, you think you're.. *

11.1K 142 5
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

** A/N: Ang kwento eto ay gawa lang ng malikot kong imahinasyon. KUNG ang mga pangalan at pangyayari na nabanggit ay nangyayari talaga sa realidad, nagkataon lang yun. Purely fiction lang po ito, kwento na di dapat masyadong dibdibin. Lol.

Chapter 1: *So, you think you're.. *

Di mapakali si Arriane habang naghihintay sa bagong teacher nila sa Social Science. Nag-resign kasi ang dati nilang guro para sa subject na yun kaya may papalit na bago. Di nya maintindihan kung bakit ganun na lang ang nararamdaman nya. Panay lang ang pagpaikot ikot nya ng ballpen habang nakapalumbaba. Maingay ang mga kaklase nya. Dakdak ng dakdak dahil wala pa ang bagong teacher na pumalit. Kwento dito, kwento doon. Iba iba ang ginagawa ng mga kaklase nya. Parang nasa palengke sa ingay.

' Weird! Bakit kaya di ako mapalagay? Pakiramdam ko ay parang may mangyayaring di maganda ngayong araw.. ' tanong nya sa kanyang utak. Arriane put the ballpen in her chin while thinking. She just rolled her eyes then take a deep breath just to ignore the things bothering in her mind.

" Hi Yanie, kelan mo ba ako sasagutin? Ang tagal tagal ko nang nanliligaw sa'yo eh pero di mo ko pinapansin. " tanong ng isang kaklase nyang lalaki sa kanya pagkaupo nito sa katabi nyang upuan. Yanie was her nickname. Only few people call her that way.

" Orly, wala pa sa bukabularyo ko ang pagnonobyo kaya shoo! Tsupe! Alis! Wag mo nga akong guluhin dito! Istorbo ka naman sa pag-iisip ko eh! Tsupe! Wag kang umupo dito! Alis sabi eh! " tinulak tulak nya ang kaklase para umalis na ito. Napakamot na lang ng ulo si Orly sa pagtataboy ni Arriane. Naiirita na rin sya sa kakulitan nito.

Pagkaalis naman ni Orly sa bangko ay saka naman umupo ang kaibigan nyang si Pearl at nagsalita, " Haba ng hair mo, girl! Alam mo bang madami ang nagkakagusto kay Orly tapos binabasted mo lang? Engot ka talaga! Kung ako sa'yo, sasagutin ko yan. Malaki din kaya ang pakinabang ng lalaking yan pagdating ng exam noh! " matalino din naman si Orly pero di talaga sya type ni Arriane.

" Pearl, ayaw ko nga sa kanya. Okey? Saka wala akong pakialam kung mapapakinabangan ko yan sa mga exam. Di ako magbo-boyfriend nang dahil lang dun. Anyway, change topic tayo. " umayos ng pagkakaupo si Arriane na humarap sa kaibigan. " Pearl, alam mo, nakakakilig talaga ng binabasa kong kwento sa wattpad ngayon. Ang ganda ng kwento! Swear! " impit na wika ni Arriane na halata ngang kinikilig. " Grabe! Super duper talaga! Mamaya, ipapabasa ko yun sa'yo.. Talagang magugustuhan mo din yun. Pramis! " pansamantalang binalewala niya muna ang nararamdaman dahil sa pagkwekwento sa kaibigan. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa araw na yun.

" Puro ka na lang kwento. Kaya ka nagiging hopeless romantic eh. Baka mamaya, sa sobrang adik mo sa mga kwento eh, di ka na magkakaroon ng syota.. Naku, Arriane! Tigilan mo na yan! Wala kang mapapala sa pagbabasa noh! " palatak ni Pearl sa kanya.

" Sus! Bakit mo ba ako pinipilit na magsyota na? Nineteen palang naman ako ah? Di pa ako nawawala sa kalendaryo. 'to talaga! At teka nga, wag mo ngang pakialaman ang hobby ko. Kontrabida ka talaga kahit kelan, Pearl! You're really mean! " ganting sambit naman nya sa kaibigan.

Sige lang sa pagkwekwento ang dalawang magkaibigan hanggang tumahimik ang buong klase nang may pumasok na lalaki. May bitbit itong notebook. Naka-tuck in eto, nakasuot ng plain polo shirt. Pormal na pormal. May suot din etong eyeglass na nagpalitaw ng pagiging manly ng lalaki. Marahil eto na ang pumalit sa nagresign na ex Soc.Sci teacher nila Arriane.

" Good morning, class. I'm your new teacher in Soc.Sci. Arjay Tejada. I hope na magiging okey ang class na 'to and i hope na sana magkakabonding tayo bilang teacher at students sa subject na ituturo ko. " agad nitong sabi sa klase. May mangilan ngilan na mga babae ang nagpapacute sa bagong guro. Nagtanong tanong ng kung anu ano na sinasagot naman ni Arjay.

" Sir, ilang taon ka na? " tanong ng isa.

" 24 pa lang ako.. " nakangiting sagot naman ng guro.

" Wow! Ang bata nyo pa pala! " tila nakikilig na bulalas ng estudyanteng nagtanong kay Arjay. " Pwede pa! Hihi. " di nakaligtas sa pandinig nito ang huling winika ng babae na ikinibit balikat na lang ng binatang guro.

" So, can we start? " tanong nito. Agad namang tumalimang sumagot ang mga babaeng estudyante maliban kay Arriane na natutulala sa nangyayari.

" Yes, Sir. "

" OK, dahil ayon sa teacher nyo dati.. Yes, miss? "

**

Si Arriane ay di alam ang irereact sa nakita. Di sya pwedeng magkamali dahil nakita nya na ang lalaking nasa harap nila. Eto ang minsang nakatalo nya sa bar nung nakaraang linggo. Di nya inaasahang magkikita pa sila nito matapos ang lahat at ang masaklap ay bagong maestro nya pala eto. Dahil natuliro sya sa pagkikita nilang muli, napatayo sya ng di oras sa pagkakaupo na ikinagulat ng lahat. Nagtaka rin si Arjay sa ginawa nya. Inayos nito ang suot na salamin at minasdan sya. Tila naalala rin ni Arjay si Arriane.

Lihim na nagsmirk si Arjay bago nya tapusin ang dapat na sasabihin sa ginawang reaksyon ni Arriane sa pagkikita nila. He lean his hands on the table and speaks, " Yes, Miss? Any problem? O baka naman katulad ka rin ng ibang kaklase mo? " prangka nitong bintang kay Arriane na ikinagulat nya. Di nya inaasahang maririnig nya yun to think na isa itong guro.

" T-Teka! Anong ibig mong ipahiwatig? " tila naiinis nyang tanong. " Na may gusto ako sa'yo? "

" Well, di ako ang nagsabi nyan. Ikaw. At sabagay, paano ka nga naman magkakagusto sa gaya ko. Eh di ba nga sabi mo nung nakaraang linggo, bakla ako? " napansin nyang nagbulong bulungan ang mga kaklase nya sa sinabi ni Arjay.

" Teacher ka pa naman pero ginaganyan mo ang estudyante mo! So, you think you're hot as teacher of Social Science! You're not! Ang baduy mo! "

" Watch your words. Miss, you are being too rude. Kung may problema ka, pag-usapan natin mamaya pagkatapos ng klase. Nakakahiya kasi sa mga kaklase mo.. " pagkatapos nun ay tinalikuran sya nito at may sinulat sa blackboard.

Wala syang nagawa kundi ang umupo na lang habang patuloy syang pinagtitinginan ng mga kaklase nya. Akala mo ay malaki ang kasalanang nagawa nya para umakto sila ng ganun.

' Nakakainis! Sya nga ang rude eh! Tama bang ipamukha talaga sa akin na sinabi ko yun sa kanya last week sa harap ng kaklase ko?! Then may gusto daw ako sa kanya?! Duhhh! Di ako magkakagusto sa isang teacher noh! Swear!! Baka sya ang magkagusto sa akin! Sa ganda kong eto? ' himutok ni Arriane sa kanyang isip.

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant