C28

30 2 0
                                    

PLEASE, SAY YES.


        "H-ha?" Taka akong napakamot sa aking batok dahil sa kaniyang pag sigaw.

Ang kaniyang mga kilay ay mas nagsalubong pa. "Kung kani-kanino ka nagpapahawak!" Iritang aniya at bahagya akong hinila.

Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sakin. "E-eh!? Hoy lalaki! Bata itong humaw–"

"Hindi na bata iyan!" Pagpuputol niya sakin bago tingnan ng masama si Denver na nasa likod parin ni Rence. "Hey! How old are you?" Baling niya kay Denver.

Napapikit pikit pa muna si Denver bago sumagot ng uutal utal.

"F-fourteen p-po.." Lalong napahigpit ang hawak niya kay Rence na nakasulyap lang sa tabi ni Laurent. Or should I say, kay Gabriella.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "See!? Fourteen years ol–"

Naputol ang kaniyang sinasabi nang hampasin na siya ni Gabriella sa braso. "Hey Kuya! Stop it!" Pagsusuway niya sa kaniyang kuya.

Binalingan ito ni Laurent nang masamang tingin pero hindi nagpatalo sa kaniya si Gabriella.

Wala ka pala sa kapatid mo eh..

Umiwas siya ng tingin bago inis na yumuko. Kita ko parin ang pagkakakuyom ng kamay niya.

Napunta lang ulit ang atensyon ko kay Gabriella nang magsalita ito. "I'm sorry for my Kuya's behavior. His ulo is kinda masakit kasi."

Handa na sana akong sumagot sa kaniya at tanongin kung bakit naman masakit ang ulo nito, nang bigla nalang may kamay na humarang sa mukha ko "Hindi! Okay lang.. ahmm.. I'm Rence." Sabat ni Rence habang naka-amba ng shake hands kay Gabriella.

Hindi ko makita ang expression nilang dalawa dahil nakaharang si Rence at likod niya lang ang nakikita ko. Ang alam ko lang ay sinusubukan nitong landiin ang kapatid ni Laurent.

Walang pinapalagpas.

Hindi pa lumagpas ang sampong segundo, nawala na ang likod ni Rence sa harap ko. Nang tingnan ko ang mukha nito, mukhang nabasted agad ata.

Nilapitan ni Gabriella sina Fritzy at Lorie at masayang nakipagkilala. Naging maayos naman ang pagkakakilala nila dahil magkaugali si Fritzy at Gabriella.

Bumuntong hininga nalang ako bago kumapit sa brasong matigas sa tabi ko.

"Enjoying my biceps huh?"

Tinaas ko ang tingin sa lalaking pinagkapitan ko saka siya inirapan.

Totoo naman kasi. Ineenjoy ko ang biceps niya, alangan idedeny ko pa.

"Talaga." Walang hiyang sagot ko sa kaniya.

"This biceps is all yours. Just don't let other men touch you." Napairap nalang ako sa sinabi niya.

Ni hindi nga niya ako nililigawan tapos ang lakas mag selos. Tss

Nang magsawa ako sa mga braso niya, agad akong bumitaw sa kaniya at nilapitan si Denver.

Hinapit ko ang braso niya. "Okay ka lang?" Alalang tanong ko dito ngunit tanging tango lang ang natangap ko sa kaniya.

Natakot siguro.

"Hey! why are you touching him!?" Agaw atensyong lapit sakin ni Laurent at hinila ako at pinunta sa likod niya.

"Wag ka nga sigaw ng sigaw! Para kang bobo!" Gulat siyang tumingin sakin at parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. His mouth was half open.

Tss..

Please, say yes.(Please Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang