C9

80 31 17
                                    

PLEASE, SAY YES.

          Pagkarating namin sa room, agad napatingin ang ilan sa mga kaklase namin sa amin. Para silang nakakita ng diyosa sa paraan ng tingin nila.

Humakbang na ako at handa na sanang umalis sa pinto, nang matigil ako dahil humarang sa dinaraanan ko ang lalaki naming kaklase.

"Hi, Derna! Ba't kayo magkasama ni Pres?" Nakangiting parang manyak na tanong niya.

"Kasi kinidnap niya ako." Sagot ko sa kanya sabay taas ng kilay.

Bumuntong hininga siya at ngumiti at humarap sa akin.

Tangina ano 'yong naaamoy ko?!

Amoy imbornal.

Nag singhot singhot pa ako saglit ng mapagtanto kong galing sa bunganga nitong nasa harap ko nanggagaling ang amoy.

Putangina ang baho ng hininga niya.

Tatawag tawa itong humawak sa braso ko."Oh eh bakit ka kinidnap?"

I-close nalang ang mouth shuta ka! ang baho ng hininga mo.

"'Yong hininga mo." Hindi ko namalayang banggit ko kaya agad akong napatakip ng bibig.

Gago, speechless yung tae sa baho ng hininga niya. Yung tipong yung tae pa ang mahihiya pag pinaglapit silang dalawa ng bunganga nito.

Ang baho ng hininga niya pwe!

"Ha? bakit 'yong hining-"

"Ang baho ng hininga mo umalis ka nga sa harap ko! Ano bang kinain mo!? Tae!? Amoy tae hininga mo!" Pagpuputol ko sa kaniya.

Marahan niyang inamoy ang hininga niya. Lumingon siya sa mga kaklase naming tumatawa pero binalik rin agad ang tingin sakin at sinamaan ng tingin.

Hindi ko na siya pinansin at inirapan nalang. Akmang aalis na sana ako sa harap niya, nang hilahin niya ako. Muntik akong mapasubsob dahil sa pwersa ng paghila niya.

"A-anong sabi mo!?" Galit na sigaw niya saka hinigpitan ang pagkakawak sa akin.

"Sabi ko ang baho ng hininga mo!" Tumalim ang titig niya.

Susuntukin na sana niya ako ng bigla nalang may kamay na humawak sa papulsuhan niya.

"Pres isang sapak lang sa kaniya oh." Pakiusap niya habang pilit tinatanggal ang pagkakahawak nito.

"Stop. Go back to your seat dadating na si Miss Lambino." Maotoridad na utos ni Pres sa kaniya. Hinila na ako ni Pres papunta sa seat ko. Nilingon ko ang kaklase kong nakatayo parin doon.

Ang sama parin ng tingin sakin nong kaklase kong mabaho ang hininga.

Oh ano!?

Suntukan!? G ako diyan

Nagmake face ako sa kaniya na ikinainis niya lalo. Inalis ko na tingin ko sa kaniya at nagpahila na kay Pres at tumungo na sa seat ko

Siya pa may ganang tumingin ng masama sakin ha, siya na nga mabaho hininga.

Akmang ibababa ko na ang bag ko ng mabaling sa unahan ang tingin ko dahil parang may nakatitig sakin. Naglandas ang mga mata namin ni coloring book. Kita ko ang talim ng tingin niya sakin.

Oh anong problema nito?

Inirapan ko lang siya at ilalapag na sana ang bag ko ng matigil ang kamay ko sa ere.

Si Pres. Sa tabi ng seat ko umupo.

Bakit diyan siya uupo? As far as I remember hindi ko siya seat mate? Nabago na ba ang seating arrangement?

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now