C2

169 52 49
                                    

PLEASE, SAY YES.

          Muli kong binuksan ang phone ko na kanina ko pa hawak at  tinignan ang oras.

7:24am

Mag t-time na pero nandito parin ako sa labas ng school. Ayaw akong papasukin ng guard.

Dahil sa pagmamadali sakin ni Mama na umalis nang bahay, nakaligtaan ko 'yong school ID ko. Todo kung maka-apora sakin. Ayan tuloy, naiwan ko iyong ID ko.

Aaminin ko. Naiiyak na ako. Ayaw ako papasokin no'ng guard. Kilala naman ako dahil sa beauty ko dito sa school. Pero bakit itong guard na 'to ay hindi ako kilala.

Bumuntong hininga ako bago hunakbang palapit sa guard na nagchecheck ng mga bag.

"Hindi mo po kilala ang beauty ko, kuya?"

Nasaksihan ko ang pagbaling niya nang tingin sakin at kinunutan ng noo .

"Sino ka?" Kunot noo niya akong tinignan bago binalik ang tingin sa babaeng nasa harap niya. "Pasok."

"Manong, hindi mo siya kilala?" Aniya nang sumunod na babae pagka-alis ng isa.

"Hindi. ID mo?"

Napanganga ako sa sagot niya. Lahat ng mga guards rito ay kilala ako dahil sila lagi ang sumasaway tuwing may away at nandoon ako. Pero ito..

Hindi ako kilala?

"Siya po iyong laging may kaaway sa harap ng STEM building." Bulgar niya habang pinapakita ang bag at ID nito.

"Wala akong pake." Aniya ng guard na nagpalaglag sa bunganga ko. Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

Hindi makapaniwalang umatras ako palayo sa direksyon nila. Just wow.

Wala daw siyang pake. Na-offend ako do'n ha.

Naghalukipkip nalang ako sa gilid at inisip kung ano ang pwedeng mangyari kapag hindi ako pumasok sa araw na ito.

Wala akong problema kung hindi ako pumasok ng school. Pero si Mama meron. Siguradong malalaman at malalaman niya kapag hindi ako papasok ngayon dahil Tumatawang ang adviser namin sa kaniya tuwing nagcucuting ako.

Hindi ako mapakali sa gilid ng gate dahil pakonti na nang pakonti na ang mga taong nakapila sa kaniya. Gusto ko sanang sumabay makilad sa mga tapos ng tignan ang mga bag at ID, pero mukhang binabantayan talaga ako nito mula nang marinig niya ang sinabi nang babae kanina. Maya't maya niya akong sinusulyapan.

Crush ako nito panigurado. Yucks kunat.

Try ko kayang gamitan ng acting skills ko itong guard? Akitin ko? Tutal mukhang crush ako eh.

Nang makitanh apat nalang na estudyante ang natira, ngingiti ngiti akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso na ikinagulat niya.

Alam kong nakakadiri dahil ang tanda na niya pero nagbabakasakali lang naman. Baka papasukin ako.

"Manong hindi kaba nagagandahan sa akin? Papasukin mo na ako oh.. Pretty please." Sabi ko sabay puppy eyes at hablos sa braso niya.

"Anong ginagawa mo!? Minamanyak mo ba akong bata ka!?" Nanlalaking ilong na hawi niya sakin kaya napatingin sakin 'yong apat na estudyante. Tumawa iyong tatlo, pero iyong nasa pinakaharap ay nakatingin lang ng seryoso sakin.

He's familiar pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin.

"Manong guard sige na kasi! Papasokin mo na ako, hindi ka ba naaawa sakin.."

Nag puppy eyes ulit ako sa kanya para lang pumayag siya pero dinedma niya lang ang cuteness ko dahil hinawi niya ako paalis.

"Umalis ka diyan!" Iritang saway niya sakin, pero hindi ako titigil.

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now