C22

77 16 5
                                    

PLEASE, SAY YES.


          "Anong susuotin ko tangina!" Sabado na at ngayon na iyong lakad namin ni Laurent.

Kanina pa ako rito. Hindi ako makapili ng susuotin. Gusto ko 'yong magagandahan siya sakin, pero paano siya magagandahan eh mukha akong lalaki.

Nakakalat na ang mga damit ko sa sahig kakahalungkat. Ang papangit ng mga damit ko.

Halungkat lang ako ng halungkat, Hanggang sa may makita akong dress na kulay light blue. Agad kong itinabi iyon sa jeans at t-shirt ko na nasa kama.

Itong dress ba o mag jejeans at t-shirt nalang ako?

Parang ang awkward kasi kapag Nakita niya akong mag de-dress.

"Bahala na nga!"

Kinuha 'yong jeans at t-shirt at agad iyong sinuot. Nagmamadali akong pumunta sa harap ng salamin pagkatapos kong magbihis.

"So pretty so much!" Pagkakausap ko sa sarili ko saka nag hair flip.

Nag pose ako para mas maramdaman ko ang kagandahan ko.

"Ang aesthetic Derna! Pak!" Hinampas ko ang pwet ko.

Inilabas ko ang camera ko at magpipicture na sana, nang marinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko kaya agad akong natigil.

"Derna! Nandito na si Gabriel! Wag ka na masyadong magpaganda kasi hindi ka naman na gaganda!"

Ang aga naman ng mokong na 'yon?

"Wait lang ma! Epal ka talaga! Pakisabi hintay lang! Hindi pa ako tapos sa pagpapaganda!"

Inayos ko lang ang Tupac ko na damit saka nag cologne ng kaunti. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, saktong paakyat naman si Mama.

Nanlalakingbutas ng ilong niya akong tinignan saka hinila sa kwarto niya.

"Ma, bakit? Sabi mo hinihintay na ako ni-"

"Oo kanina kapa hinihintay pero hindi kita hahayaan na ganyan kapangit ang suot mo."

"H-ha? Maganda naman ito ah! Pangit lang talaga taste mo 'Ma!"

Inirapan niya lang ako at binuksan ang drawer niya. May inilabas siyang dress na puti at saka binato sa akin.

Gagawin ko dito?

Tinignan ko siya ng nagtataka pero inirapan niya lang ako.

"Mag palit ka." Aniya saka walang lingon na lumabas ng kwarto.

Napakamot ako sa noo ko. "Maganda naman itong damit ko ah! Tss!"

Nagbihis nalang ako dahil baka makutusan pa ako ni Mama kapag hindi ko siya sinunod.

Agad na akong bumaba pagkatapos kong magpalit. Naabutan kong nagtatawanan sina Mama at Laurent .

Close na talaga sila..

Nang makalapit ako sa kanila agad kong hinila patayo si Laurent sa kinauupuan niya. "Tara na Laurent!"

Hindi nakapag salita si Laurent ng ilang segundo kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatitig sakin si tanga pero agad itong umiwas ng kinunutan ko siya ng noo.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. "A-ah, sige po tita labas lang po kami ni Derna. Ihatid ko nalang po siya mamaya." Magalang na sabi niya.

Namataan kong ngiting ngiti si Mama sa kaniya.

Balak pa ata akong agawan.. pshh!

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now