C20

88 19 12
                                    

PLEASE, SAY YES.

          Basta nalang niyang binuksan ng malaki ang pintuan at lumapit sa amin. Walang pigil niya akong hinila palapit sa kanya kaya napabitiw si Theo sa pagkaka-akbay sa akin.

Muntik pa akong masubsob dahil sa pwersa na binigay niya.

Hahambalusin ko na sana siya dahil sa paghila niya sakin ng 'sobrang' lakas pero hindi siya nakatingin sakin kaya agad akong natigil.

Sinundan ko ang masamang titig niya at tumama iyon kay Theo.

Theo?

Bakit hindi sa akin?

Ang talim ng tingin niya kay Theo. Tinititigan lang ng masama ni Laurent si Theo na tila nang hahamon ng away.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Nong ibaling ko naman kay Theo ang tingin ko. Nagtataka ang inosente niyang mukha. Mukhang hindi niya mapagtanto kung bakit masama ang tingin ng lalaki sa kaniya. Kahit ako rin ay hindi ko ma-gets.

Ilang minuto lang silang nagtititigan ng walang nagsasalita sa'min sa loob. Hanggang sa ilang sandali, gumalaw na si Laurent at akmang lalapit kay Theo, ay agad na akong humarang sa daraanan niya.

Baka mang away pa ito.

"B-bakit nandito ka!?" Sigaw ko sa kaniya ng kinakabahan pero hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Nanatiling nakatitig parin siya ng masama kay Theo.

"H-hoy ugok bakit nandito ka!?" Ulit ko sabay batok sa kaniya.

Bumaba ang tingin niya sakin at binigyan ng masamang tingin.

Bakit nandito ba ito? Akala ko ba ihahatid niya si pabebe na Sheena!?

"B-bakit n-nandito ka?" Ulit ko pa ng mahina dahil masama ang tingin niya sakin.

Nakakapanghina. Nawawala talaga angas ko sa mokong na 'to.

"Ihahatid na kita." Walang emosyon na sabi niya saka hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya. "Ha?! E, 'di ba ihahati-"

"Shut the fucking hell up!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko at tinignan niya ako ng masama.

"Bro, she's a girl, don't shout at her." Pag-singit ni Glen.

Tinignan lang siya ni Laurent at saka nag buntong hininga.

"B-bakit ba nandit-"

"Ihahatid nga kita hindi ka ba makaintindi!" Pigil na sigaw niya nang nilingon ulit niya ako. "Bigla bigla ka nalang aalis doon ng hindi pinapatapos ang sinasabi ko tapos pagdating ko dito.. fuck! Bullshit!? May naka akbay na sayo!? What the actual fuck Derna!?" Dirediretsong sabi niya.

"E-eh ni-welcome lang naman ni-"

"Nag wewelcome rin ako ng mga bago kong members sa music club pero hindi ko inaakbayan Derna." Madiing sabi niya.

"Sa inyo 'yon, iba dit-"

"Just shut your mouth! Uwi na tayo." Pagpuputol niya sa akin at agad akong hinila palabas sa silid.

"Anong uuwi na tayo? Hindi tayo pareho ng bahay. Baliw ka." Nagpatigas ako sa kinatatayuan ko para hindi niya ako tuluyang mahila.

"I-i mean ihahatid na kita sa bahay mo." Magkasalubong na kilay niyang sambit.

Umirap lang ako at akmang tatanggalin ang kamay niya sa braso ko, nang mabilisan na niya akong hinila kaya hindi ko nagawa ang balak ko.

"W-wait, 'di pa ako nakakapag paala–Bukas ko nalang isusulat name ko! See you tomorrow guys! May topak na naman ata kasi si Laurent!" Sigaw ko sa kanila Glen.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now