C12

79 31 15
                                    

PLEASE, SAY YES


          These passed few days ay sinisipag akong pumasok sa hindi ko malamang dahilan. Puro lang naman pangiinis ang ginagawa nila sakin sa school pero bakit naeenjoy ko iyon. Lalo na si Sheena na araw araw ay nakasalubong na ang matatalim na tingin sakin tuwing papasok ako ng room. Patawa.

Siguro ay natutuwa ako sa binibigay nilang atensyon sakin? Attention seeker ako eh, sinong hindi matutuwa kung may oras na nasasayang dahil sakin. Mmph!

Inayos ko muna ang uniform ko bago lumabas sa kwarto ko at agad bumaba dahil papasok pa ako. Nadatnan ko si Mama na nasa sala, nakatulala at parang wala sa sarili. Mapupula ang mga mata at ilong.

Anyari dito?

Taka ko siyang tinignan at bahagyang lumapit ng konti. "Pasok na po ako Ma." Pagpaaalam ko. Pero parang wala siyang narinig at hindi gumalaw.

"Ma.." Kinakabahang kalabit ko sa braso niya.

Pero Ganon nalang ang pagtataka ko ng gulat siyang napalingon sakin.

"B-bakit?" Parang wala sa sariling sagot niya.

"Pasok na ako..." Nag-aalanganing ani ko dahil mukhang hindi talaga siya okay.

Tumango lang siya sakin na tandang do'n nagtatapos ang pag-uusap namin

Ayoko mang umalis dahil nag aalala at kinakabahan ako kay Mama. Pilit ko nalang isiniwalang bahala iyon at naglakad na paalis. Saktong may jeep na naghihintay sa paradahan kaya agad na akong pumasok doon.

Nagmumuni muni lang ako dito sa bintana ng jeep tungkol sa lagay ni Mama kanina, nang parang may nakita akong dalawang pamilyar na tao.

Deja Vu..

Kinusot ko pa ang mata ko para makita ko ng maayos pero tama nga ako, Si Sheena at Pres. Kumirot ang puso ko sa nakita ko sa 'di malamang dahilan.

Dumagdag ang bigat ng dibdib ko ng malamang sabay din pala silang pumapasok. Akala ko sa pag uwi lang.

Irita ko nalang ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Pero hindi ko mapigilan lingonin parin sila. Kita ko ang ngiting ngiti mukha ni coloring book.

Nang tumigil ang jeep, agad kong binigay ang bayad ko at nagmadaling bumaba. Walang lingon akong tumungo sa room dahil ramdam kong wala ako sa mood. Si Mama mukhang hindi okay, tapos dumagdag pa ang nakita ko kanina.

Dumukdok ako sa desk ko at Plano na sanang matulog nalang muna dahil napiyat ako kagabi sa pag f-favebook nang maghiyawan bigla ang mga kaklase ko kaya parang nagising rin ang kaluliwa ko..

"Wow pres sabay kayo pumasok ni Sheena!?"

"Ano yan Gab kayo ha."

"Yieee!"

Tinignan ko ang dalawa sa harap.

Yucks sila.

Kilig na kilig ang mukha ni Sheena. Hindi manlang niya tinago kalandian niya, shuta siya.

Umirap nalang ako sa hangin at iniwas ang tingin sa kanila. nakakaumay sila tignan.

Tubuan sana kayo ng pimples sa loob ng ilong.

"Good morning." Bati sakin ni Pres pagkaupo niya sa bago niyang seat.

Oo sa tabi ko. Hindi na talaga umalis ang mokong.

Hindi ko nalang siya pinansin at hinintay nalang si Miss Lambanog na pumasok ng room. Ilang minuto ang lumipas, Pumasok na si Lambanog kaya agad tumahimik ang mga kaklase ko.

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now