C10

89 31 19
                                    

PLEASE, SAY YES


          Naglalakad na ako pabalik ngayon sa room namin dahil mag t-time. Hindi ko na nakita si Pres kanina kaya medyo naginhawaan ako. Sa tuwing malapit siya ay kinakabahan ako. Sa mga nakaraang araw ay nararamdaman ko iyon. Hindi ko alam pero ang presensya niya ay ginugulo ang buong pagkatao ko.

Kaya't masaya akong hindi niya ako sinundan kanina ng takbuhan ko siya dahil hindi ko matagalan ang nakakapit sa kaniya. All I can say is may iba sa kaniya.

Iniling ko ang ulo ko at inalis sa isip ang lalaking iyon.

Patalon talon ang paglalad ko pabalik sa room namin habang hawak ang nova at isang coke, nang bigla ko nalang iyong nahulog dahil sa bumunggo sakin.

Nanlalaking mata kong tinignan ang pagkain kong nasa lapag na. Saka ko inangat ang gulat na tingin sa taong bumunggo sa akin. Napalitang ng masamang tingin ang gulat na mukha ko ng mamataan kong si Sheena ang salarin ng pagkakahulog ng pagkain ko.

"So tanga naman!"

Umirap siya at nginisian ako. "Ay sorry paharang harang ka kasi."

Sheena the coloring book!

Napapansin kong may problema ito sa akin. Hindi na ito dahil sa pagkakausap namin sa CR nong nakaraan. May mas malalim pa dito. Kaninang umaga ang sama ng niya tingin sakin, tapos ngayon binunggo ako.

Ano ba talagang problema nito?

Mabibigwasan ko na 'to.

Lumapit ako ng kaunti sa kaniya "Bobo ka ba!? Alam kong sinadya mo ang pagbunggo mo at anong paharang harang!? Eh, ikaw nga ang bumunggo! Tanga."

Inis siyang tumingin sakin habang nakakuyom ang mga palad. Inirapan ko lang siya at pinulot 'yong nova sa sahig bago sumipsip sa coke na hawak ko.

Hindi ko na sana siya papansinin at lalampasan na, nang magsalita ulit siya na ikinatigil ko.

"Nilalandi mo ba si Gab?" Boses mataray na tanong niya.

Nilingon ko siya nang may kunot na noo. "Anong pinagsasabi mong babaita ka? Hoy, ako ang nabunggo dito bakit Ikaw ata ang naalog ang ulo."

"Nilalandi mo si Gab!" Pambibintang nito sakin. Nakaturo pa ang hintuturo siya sakin.

Inalis ko ang tingin sa daliri niya at sinalubong ang matatalim niyang tingin.

"Anong nilalandi!? hoy babaeng clown na pinaglihi sa coloring book! Hindi ako marunong lumandi para alam mo! Saka anong sinasabi mong nilalandi ko si Pres, eh siya nga itong nangungulit sakin! Baliw!"

"You slut! Gab is mine!" Mapupulang matang sabi niya na tila tutulo na ang luha.

"Edi sayo! Hindi ko naman inaangkin! Lamunin mo! Ngalngalin mo! Bobo!"

Pagkasabi na pagkasabi ko non ay tuluyan ko na siyang tinalikuran.

"Anong nakain non at kung ano anong pinagsasasabi." Pagkakausap ko sa sarili habang pinapagpagan ang nova ko.

May gusto ba yun kay Pres?

Now I know kung bakit laging masama ang tingin niya sakin. Ako kasi ang laging pinapansin ng kinababaliwan niya.

Psh.

Nadamay pa ako sa katangahan nilang dalawa.

Nagliwanag ang mukha ko ng bigla akong makaisip ng kalokohan na malamang sa malamang ay maiinis siya.

Ngumiti ako bago marahang naglakad  pabalik sa kinatatayuan niya. Nagulat pa siya ng makita akong bumalik at saka ulit niya ako binigyan ng masamang tingin.

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now