C18

88 22 8
                                    

PLEASE, SAY YES.

           "Oh ano? Hiya ka ngayon?" Tatawa tawang aniya habang kumakain sa tabi ko.

"Hindi." Tanggi ko.

"Talaga?" Mapanglokong boses na sabi niya habang umiiling iling pa.

Totoo naman hindi ako nahihiya. Kanina lang iyon dahil sa lakas ng boses ko. Kilala nila ako dito sa school na pasaway kaya hindi na bago sa akin ang pagtinginan.

Saglit lang na hiya ang naramdaman ko kanina.

"Manahimik ka na. Tadyakan kita.." banta ko sa kaniya pero tumawa lang siya.

"Napapala nang pang-aasar mo." Pagpaarinig niya.

Akala naman niya nahihiya talaga ako. Psh.

Inirapan ko nalang siya at inatupag ang pagkain sa harap ko.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa amin. Wala akong pinansin kahit isa sa kanila dahil gutom ako.

Napa-angat ang tingin ko sa harap ko ng bigla itong magsalita. "Anong kukunin mo na club? Photography?"

Ano nga ba?

Photography na ba?

Siguro 'yonn nalang, may camera naman ako sa bahay. 'yong pinagtangkaang nakawin.

"Photography ako. Eh ikaw?" Balik na tanong ko sa kanya pero hindi ko na sana tinanong dahil alam ko naman na ang club niya.

Music Club.

President ng music club

Kinareer ang pagiging laging President.

Clout chaser kasi siya. President sa classroom, President sa music club, President sa puso ko.

"Seriously tinatanong mo ako niyan?" Medyo may kayabangang sagot niya saka tumawa nanaman.

Pacool kid si tanga.

"Yabang! Kutusan kita diyan eh." Inambahan ko siya ng kutos.

Mabilis niyang naiiwas ang ulo niya. Nagkibit balikat nalang siya sakin at tatawa tawang tinuloy ang kinakain niya.

"Samahan mo naman ako magparegister sa photography club oh." Kumbinsi ko sa kaniya.

Inipit ko 'yong boses ko kagaya nang ganon kay Sheena.

Inangat niya ang tingin niya sakin at nakita ko ang gulat na mukha niya.

Nacucutan ba siya?

"Gusto ko kasi mag pasama sayo." Mas maliit na boses na sambit ko.

Ang gulat niyang mukha ay napalitan ng ngiwi at kunot na noo.

Gagawin ko na sana 'yong puppy eyes ko para dagdag sa kacutan nang unahan na niya ako.

"Subukan mong mag puppy eyes tutusukin talaga kita ng tinidor na 'to." Pag babanta niya sakin ng naka turo pa yung tinidor.

Inirapan ko nalang siya.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now