C33

15 0 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

Natapos ang tanghalian na iyon ng maayos at puno ng tawanan. Dahil na rin siguro sa mga jokes ni Rence at kulitan ni Fritzy, Denver at Jace.

I can't believe nag karoon ako ng ganitong klaseng circle of friends. Thanks to Laurent. Siguro kung hindi ko siya nakilala sa gate ay hindi mangyayari lahat ng ito.

"Pre, iyong oral com. mo ha?" Salita ni Jace sa gilid.

"Tss. Mamaya, wala pa nga tayo sa classroom." Sagot sa kaniya ni Laurent.

Umalis na ang iba kanina pagkatapos namin mag lunch at may gagawin pa raw sila. Si Lorie at Denver ay sabay nang pumunta sa Junior High. Habang sila Theo at Glen naman ay may aasikasuhin pa raw. Si Rence ay hindi na namin matagpuan kaya kami nalang nila Jace at Laurent ang natira.

"Pinapaalala lang, mamaya kalimutan mo eh." Sambit ni Jace saka tumatawang umakbay sa lalaki.

Hindi siya pinansin ni Laurent kaya agad napunta sakin ang tingin niya. Nangunot ang noo niya at inirapan ako.

"Doon ka nga sa far away! Hindi ko na nasosolo si Laurent eh!" Aniya sakin.

Inismiran ko siya at sinuntok ang kaniyang braso.

"Tanginamo ikaw nga ang lumayo sa kaniya! Ikaw ba ang nililigawan ha!?" Balik ko sa kaniya.

"Ako ang nauna sa kaniya." Tinanggal niya ang akbay kay Laurent at tinaasan ako ng kilay.

"Una ka lang! Past ka na! Parang iyang mukha mo parang pinaglumaan na ng panahon!" Bumukas ang kaniyang bibig at napatakip doon ang kaniyang kamay.

"Hoy! Para alam mo! Apat na ang ex ko!"

Sinong nagtanong.

"Hindi ako interesadong alamin!" Balik na sigaw ko sa kaniya.

"Ikaw! Napak–" umamba siyang lalapit sakin kaya agad na akong kumapit sa braso ni Laurent.

"You two stop. Ang ingay niyo." Saway sa'min ni Laurent.

"Siya ah! Inaaway niya ako," Sumbong niya sa lalaki kaya agad akong napairap. Kumapit siya sa kabilang braso ni Laurent at ngumuso.

"Kadiri 'yang mukha mo! Para kang isda na nakanguso!" Puna ko sa itsura niya.

Narinig ko ang tawa ni Laurent kaya agad na rin akong tumawa.

"Anong nakakatawa!"

"Mama mo!" Sigaw ko sa kanya na lalong nagpatawa samin ni Laurent.

"Papa mo!" Balik na sigaw niya sakin ng nanlalaki ang butas ng ilong.

Napatigil ako ng ilang saglit dahil naalala ko sila pero agad rin akong nakabawi. Naramdaman ko rin ang pag lingon ni Laurent sakin.

"Wala akong Papa tanga!" Sambit ko saka tumawa.

Natigilan rin siya sa sinabi ko. "H-hindi ko alam kung matatawa ako o ano." Aniya saka tumawa na rin sa huli.

Sa lakas ng tawa niya, bawat estudyanteng nadaraanan namin ay lumilingon.

Nagtatawanan lang kami hanggang sa makabalik na ng classroom.

"Pre, punta akong bahay niyo mamaya. Miss ko na si Tito." Sambit ni Jace.

Tumango sa kaniya si Laurent kaya agad na siyang tumungo sa kaniyang upuan.

Napaisip ako kung anong itsura ng mga magulang ni Laurent. Ngayon ko lang napagtanto na wala akong ka alam-alam sa buhay niya. Tanging si Gabriella lang ang kilala ko sa pamilya niya.

Please, Say Yes.(Under Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin