C34

11 0 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

Alas siete na ng gabi pero hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang nasaksihan kanina. Kung ano ano ng kalokohan at paglilibang sa sarili ang ginawa ko pero wala parin.

Hindi ko matanggap na nagpahalik siya sa iba. Hinintay ko siya ng mahigit isang oras tapos iyon lang ang makikita ko? Pakshet.

Ang cellphone na nasa tabi ko ay paulit-ulit na tumutunog kanina pero nakakapagtaka dahil bigla itong tumigil.

Si Laurent iyon. Kanina pa siya tawag ng tawag pero hindi ko maintindihan ang sarili dahil ayaw kong marinig ang boses niya. Parang nag cheat siya sakin kahit wala pa namang kami.

Tanginang damdamin 'to.

Tinignan ko muli ang phone na nasa tabi pero wala na talaga.

23 missed calls, 16 unread messages.

Napagod na ba siya?

"Nakakainis!" Mahinang sigaw ko.

Dahil sa gigil, agad kong kinuha ang unan ko at bahagyang inilagay ang phone sa ilalim nito.

"Sige ha, magpapahalik rin ako ku-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Iniluwa nito si Mama na nakangiti. "Derna, Si Laurent nasa baba, hinahanap ka."

Natigil ang sistema ko ng marinig ang sinabi nito.

"A-ano m-ma?" Utal kong tanong muli.

Nangunot ang noo nito bago sumagot. "Si pogi hinahanap ka, pinaupo ko na sa baba dahil kanina pa pala ito nasa labas ng bahay."

Kanina pa nasa labas ng bahay?

"W-weh?" Sagot ko.

Baka pinaprank lang ako ni mama.

"Anong weh?" Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Ma, kung pina-prank mo lang ako, uunahan na kita, indi ka prankster." Inirapan ko siya bago humiga sa kama.

"Naiinis nanaman ako Derna ha! Bababain mo si Laurent o kakaladkarin kita!?"

Muli akong napatayo dahil sa sinabi niya. Maaring totoo ang sinasabi nito.

"T-totoo nga? Hindi prank?" Paninigurado ko.

"Bumaba ka na." Maikling sabi lang nito bago tumalikod sakin at sinarado ang pinto.

"Tangina baka totoo.." Bulong ko.

Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at agad iyong binuksan. Pumunta ako sa message at bumungad sakin ang 19 message niya.

Pogi<<3

I'm here at your house.

Where r u?

I'm scared Derna.. where r u?

Bakit hindi mo ako hinintay sa gate?

"Tangina totoo nga." Sambit ko saka agad tumayo at dumiretso sa salamin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now