C5

107 41 35
                                    

PLEASE, SAY YES

          Nandito na kaming tatlo ngayon sa canteen, Naglalakad habang nakatulala. Kanina pa ako lutang.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Walang pumapasok sa isipan ko kung anong pwedeng gawin para makatakas. Bantay sarado ako ni Pres.

Hanggang ngayon ay naka-akbay parin siya sakin. Parang walang pake sa mga estudyanteng nakatingin sa'min. Maraming mga taga junior high ang nasa canteen ngayon kaya punuan talaga.

Natigil lang kami sa paglalakad ng hilahin ako ni Gabriella sa pagkaka-akbay ni Pres.

Thanks to her dahil nakaalis ako sa bisig ng kuya niya.

Nagkatitigan kami ni Pres pagkatapos akong hilahin ni Gabriella sa kaniya. Pansin ko ang maliit na ngisi sa kaniyang labi kaya mas lalo akong nairita.

"Ate Derna! Let's go, hanap na tayo ng table! Si Kuya na mag bu-buy ng food natin. I want mogu mogu and donuts Kuya. Ikaw ate Derna?" Baling sakin ni Gabriella.

Nginitian ko siya "Ahm... Kahit ano nalang."

"Oh Kuya kahit ano nalang daw. Mag buy ka na, Kami na mag hahanap ng table!" May ngiti sa labing ani niya saka niya ako hinila at tinalikuran si Pres. Hinayaan ko na lang siya sa paghila sa akin kesa naman si Pres ang humihila. Nakakatakot siya kanina.

"Gaano na kayo katagal ni Kuya?" Biglaang tanong sakin ni Gabriella habang naglalakad kami.

Shuta anong sasabihin ko..

Napakamot nalang ako sa batok ko saka siya hinarap at hinawakan ang dalawang balikat niya.

"G-ganito kasi 'yon Gabriella. H-hind–"

"Omg! Kuya Jace!"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may tawagin siya sa likod ko at kinawayan. Nilingon ko ang tinawag niya. Agad ko itong namukhaan dahil hindi ko itinatanggi na may itsura siya gaya ni Pres. Lagi ko kasi silang nakikita na magkasama Pres. Baka kaibigan niya kaya kilala rin ni Gabriella. Ito rin iyong tumatawa kanina habang hinahampas ang braso ni Pres.

Lumapit sa'min si Jace at mukhang hindi ako nakita. Yumakap siya kay Gabriella pagkatapos ay ginulo nito ang buhok ng babae.

"Why are you here Gabriella?"

"Why? Is it bawal to come here ba?" May pagbibirong boses na sagot ni Gabriella sa kaniya kaya tinawanan lang siya nito.

"Ano nga." Nakangiting pag uulit nong kaibigan ni Pres.

"I'm visiting Kuya. Saka naghahanap na rin ng table. Punuan pala dito sa inyo." Tumatawang ani niya.

"Naghahanap kayo ng table? May sarili kaming table ni Laurent, Tara?"

______________________________________
A/N: Ang pronunciation ng Laurent ay ganon sa pronunciation sa French. It's Loh-ran. Don't forget para mas dama HAHAHAH:>>

Pag-aaya niya kay Gabriella pero agad nabaling ang tingin ni Jace sa akin ng yumakap sa braso ko si Gabriella.

Napatingin siya kay Gabriella na parang tinatanong kung bakit niya ako kasama.

Beh.. kasama niya ako dahil sa kagagahan ko...

Agad namang na-gets ni Gabriella ang pinaparating na tingin ni Jace.

"Oh! By the way this is Ate Derna, Kuya's girlfriend! I know that you already know her! Kayo pa ni Kuya!" Nanlalaking matang tinignan ako ni Jace saka binalik ang tingin kay Gabriella.

Please, say yes.(Please Series 1)Where stories live. Discover now